Pinabulaanan ni Ella Cruz na ang naging dahilan kung bakit hindi na ni-renew ang kontrata niya sa Star Magic ng ABS-CBN ay dahil sa pagiging pakialamera ng kanyang inang si Jesica Cruz.
May pagka-stage mother daw ang ina ni Ella kaya marami raw ang na-turn off dito, kasama na roon ang staff ng show na kinabibilangan noon ni Ella.
Dahil daw sa pagiging atribida nito ay nadamay tuloy ang papagandang career ni Ella sa Kapamilya network.
Noong hindi na ni-renew ang kontrata ni Ella, lumipat sila sa management ng Viva Artists Agency (VAA), kaya ngayon ay sa TV5 na napapanood si Ella.
Pinagtanggol nga ni Ella ang kanyang ina na siyang tumatayong manager din niya.
“Unfair naman pong sabihin nila na gano’n ang mommy ko.
“My mom kasi is my manager at siyempre, siya ang nakikipag-usap in regards sa mga kontrata or sa mga projects.
“So may say ang mommy ko sa lahat ng magaganap sa career ko. Hindi pakikialam iyon because she’s my manager.
“We both made the decision to move to Viva since wala na akong contract with Star Magic.
“Okey naman kasi maganda ang mga hinanda nilang projects for me. Tulad dito sa WattPad Presents TV Movie nasa episode ako na Avah Maldita where I star with Donnalyn Bartolome and Akihiro Blanco,” pahayag ni Ella.
Nakausap din namin ang ina ni Ella na si Ms. Jesica Cruz at aware raw ito na may mga nagsasabing dahil sa kanya kaya nawala sa Star Magic si Ella.
“Never akong naging atribida or gumawa ng hindi maganda dahil ikasisira iyon ng career ni Ella.
“Madali akong kausap. Basta tungkol sa career ni Ella, open akong makinig at makipag-cooperate.
“Umalis man kami sa Star Magic, alam ko na wala akong kaaway doon,” diin pa ni Mommy Jesica.
Chad Borja iniba na ang lifestyle, tatlong taon nang magaling sa thyroid cancer!
Tatlong taon nang in remission ang ‘90s balladeer na si Chad Borja pagkatapos ng kanyang 15-year battle with thyroid cancer.
Na-diagnose si Chad with thyroid cancer noong 1997 at nagpapasalamat siya na-survive niya ito.
“When I was diagnosed with thyroid cancer in 1997, I really thought na katapusan ko na iyon. Dumaan ako sa matinding depression.
“Kasi naman, bakit sa may lalamunan pa? Ang pag-awit ang puhunan ko tapos doon pa ako nagkaroon ng cancer.
“But the doctors caught it sa early stage pa lang kaya I went through an operation para matanggal ‘yung mass and went through chemotherapy.
“Naisip ko na lang that time, mawala na ang boses ko basta buhay ako.
“I had three daughters at ayoko silang iwan. Basta buhay lang ako kahit hindi na ako makakanta, okey lang.
“That’s why I am very thankful because God did not just gave me a second chance to live, pero nandito pa rin ang boses ko.
“I was able to see my daughter grow up during my recovery period. Now they are all grown-up na. Their ages are 23, 15 and 12.
“God is good for giving me another chance at life,” diin pa niya.
Bilang pag-iingat ay nagpapa-check up si Chad every six months at may maintenance medicine siyang iniinom. Iniba na rin niya ang kanyang lifestyle.
Sa darating na February 13 ay kasama si Chad sa malaking Valentine show sa PICC Plenary Hall titled #LoveThrowback. Kasama niya rito sina Rico Puno, Marco Sison, Gino Padilla, Raymond Lauchengco, Wency Cornejo, Roselle Nava and Nina.
Vanessa Hudgens namatayan ng ama
Sumakabilang-buhay na ang ama ng Fil-American Hollywood actress na si Vanessa Hudgens.
Nakilala si Vanessa dahil sa hit Disney TV-movie na High School Musical kung saan nakapareha niya si Zac Efron.
Pumanaw ang kanyang amang si Greg Hudgens noong nakaraang Sabado dahil sa sakit na cancer. He was 65.
Nag-post agad sa Twitter si Vanessa tungkol sa nangyari sa kanyang ama. “I am so sad to say that last night my daddy, Greg passed away from stage 4 cancer. Thank you to everyone who kept him in your prayers.”
Nalungkot si Vanessa dahil hindi na naabutan ng kanyang ama ang paglabas niya sa live musical na Grease: Live! noong nakaraang Sunday sa Fox Channel.
Kahit na nagkaroon ng trahedya sa kanyang pamilya, tinuloy pa rin ni Vanessa ang paglabas sa Grease: Live! Kung saan gumanap siya bilang si Rizzo.
“Tonight, I do the show in his honor,” diin pa ni Vanessa.
Noong August 2015 na-diagnose na may cancer ang ama ni Vanessa.