Richard pahihirapan sa Panday, tatlu-tatlo ang character

Humarap sa isang pocket presscon ang mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa para sa TV5 version ng Ang Panday na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

As we all know si Direk Carlo ang creator ng Ang Panday na sinubaybayan sa Pilipino Komiks noong dekada 70. Apat na beses itong isinapelikula ni yumaong Da King Fernando Poe, Jr. at sa tuwina’y blockbuster hit ito kaya naman sa kanya lang identified ang nasabing kwento at karakter noong nabubuhay siya and even now na wala na siya.

Matatandaang ni-remake na rin ito sa TV ni Jericho Rosales na umere sa ABS-CBN.

Ngayon ay si Richard G. naman ang magbibigay-buhay kay Flavio, ang bidang karakter sa Ang Panday na mismong si Direk Carlo at Boss Vic del Rosario ng Viva Films (ang producer ng serye) ang mismong pumili.

When asked kung bakit si Richard ang napili nila, ayon kay Direk Carlo, sa mga ganitong klaseng proyekto raw sumikat ang aktor kaya alam nilang sanay na sanay na ito sa ganitong action-fantasy-adventure projects.

Bukod dito, hindi pa rin naman daw kumukupas ang mass appeal ni Richard na naging dahilan kung bakit siya minahal ng mga tao noon.

Ang seryeng ito bale ang maiko-consider na pinakamabigat na proyekto ever ni Richard kaya natanong si direk kung kakayanin ba ng aktor ang ma­titinding fight scenes na ipinakita noon ni FPJ.

“Ito, sabi nga, acid test (kay Richard) pero sa nakita kong ikinilos niya, pagkatapos, nagdyi-gym, hard work talaga ang ginagawa niya, tapos nakita ko ‘yung pag-improve ng acting niya.

“Sinabi ko kasi kay Direk Mac ang depekto (ni Richard, eh), mayroon siyang konting depekto dahil pang-rom-com, matinee idol, eh. Sabi ko, “sa Panday, aalisin mo lahat ‘yun, gumawa ka ng bagong image”. Pati ‘yung way ng pagsasalita,” pahayag ni Direk Carlo.

Kwento naman ni Donna, naririnig nga raw niya, hindi na raw natutulog sina Richard at talaga raw grabeng hirap ng buong produksyon para sa show.

“Talagang grabe raw ang hirap, hirap sila sa shooting kasi action talaga ‘to, high adventure, so hirap na hirap sila, wala silang tulog,” kwento ni Donna.

Marami raw pasabog sa bagong TV version ng Ang Panday at bilang patikim, kwento ni direk, tatlong magkakaibang karakter ang gaga­gampanan ni Richard.

“Tatlong characters ni Flavio ang gagampanan ni Richard. Una ‘yung sa prequel, ito ‘yung ginawa naming back story ni Panday. Isa kasi siyang foundling dito tapos inampon siya ng pari,” kwento ni direk.

Mapapanood daw sa serye kung paano nagsimula ang buhay ni Panday hanggang sa lumaki at hanggang sa makabagong panahon ngayon.

Ayaw pang sabihin ng mag-asawa kung sino ang isa pang love interest ni Richard. Of course, alam na ng lahat na si Jasmine Curtis-Smith yung isa, pero yung isa pang leading lady, surprise pa raw.

Magsisimula na ngayong Pebrero ang Ang Panday.

Coleen excited nang makipag-compete kay Dawn

Excited na si Coleen Garcia sa movie niya with Piolo Pascual and Dawn Zulueta dahil imagine nga naman, first time niyang makakasama ang dalawang nasabing bigating artista.

“Nag-look test na kami kahapon,” say niya nang makatsikahan namin siya last Friday sa finale presscon ng Pasion de Amor, “and grabe, sobrang excited talaga ako. I really love the story, I love my role. Si Miss Dawn, sobrang cute niya sa role na ito, so kaabang-abang talaga siya.”

She even shared a bit kung ano ang role niya sa bagong pelikula.

“Socialite ako, and then, bale may unlabeled relationship kami ni Piolo, so, parang we’re dating but we’re not really dating, parang ganu’n. And then, walang masyadong emotional attachment hanggang sa ako, mai-in-love ako sa kanya.

“And then, si Miss Dawn naman, magiging best friends kami and then, in a way, mapo-fall siya kay Piolo, so aagawin niya sa akin si Piolo,” kwento ni Coleen.

When asked kung may kissing scene siya with Piolo, say niya ay hindi pa raw niya alam pero hindi raw naman siya daring dito.

“The role is very edgy but not daring. Hindi siya sexy. Ano siya, siguro, verbally daring siya kasi ‘yung character ko, very modern, so may may mga dialogue siya na very out of the box pero physically daring, hindi naman,” sey ni Coleen.

So, dito raw siya magko-concentrate ngayong wala na siya sa It’s Showtime at sa Pasion de Amor na may isang buwan pang nalalabing episodes.

 

Show comments