MANILA, Philippines - Matitinding kilig at rebelasyon ang aabangan sa huling dalawang linggo ng GMA kiligserye na Dangwa.
Ngayong linggo, mabubunyag na ang sikreto sa tunay na pagkatao ni Rosa (Janine Gutierrez). Isang hindi inaasahang bisita ang darating sa katauhan ni Miguel (Martin Del Rosario). Si Miguel ay apo pala ni Dante, ang lalaking naging dahilan kung bakit tinalikuran ni Rosa ang kanyang imortal na mundo at kanyang pagkakapadpad sa Dangwa. Paano kung malaman ni Miguel na ang kaharap niyang si Rosa ang hindi tumatandang nilalang na minahal ng kanyang Lolo Dante?
Samantala, ngayong umamin na si Baste (Mark Herras) sa tunay niyang nararamdaman kay Rosa, lalabas na rin ang tunay na kulay ni Lorenzo (Aljur Abrenica). Kanino kaya mapupunta ang puso ni Rosa?
Isa pang kailangan abangan ay ang pamumukadkad ng love life ng masayahin na sis ni Rosa na si Miriam. Ano kaya ang mga nakakakilig na mga eksena at madadramang tagpo sa kwento ng pag-ibig nito?
Isang mahiwagang bulaklak na lamang ang natitira, para kanino kaya ito? At ano ang mangyayari kay Rosa kapag natapos na niya ang kanyang misyon?
Abangan ang mga eksena sa Dangwa, 11 a.m., sa GMA 7.