Senior stars inaabangan sa serye ni Coco

Coco

MANILA, Philippines - Malaking bagay ang partisipasyon ng aktres na si Gina Pareño sa te­leseryeng Ang Probinsyano.

Lalo kasing naging madrama ang mga eksena matapos siyang pumasok sa istorya, dalawang bigating artista ng Sampaguita Pictures ang nasa ere noon, una si Manang Inday (Susan Roces) at si Gina.

Nauna noon si Susan kay Gina dahil sa Star 66 pa ipinakilala ang grupo ng huli.

Malaking tulong kay Coco Martin ang pagkakaroon ng mga guest sa kanyang serye para lalo itong abangan at panabikan. Isang factor din ang pagkakaroon ng mga lumang artista sa serye dahil hindi naman nawawala ang mga tagahanga nito na tiyak na sumusubaybay pa rin.

Max at Sam, kailangan nang magpahinga sa pagpapatawa

Magsasampung taon na yatang kasali sa Bubble Gang sina Max Collins at Sam Pinto pero bakit hindi sila matandaan ng mga tagahanga?

Wala kasi silang role sa Bubble Gang kundi maggulat-gulatan, magtakut-takutan, at making faces palagi tuwing may eksenang katatawanan.

Minsan naman, bigla silang sasayaw na minsan ay hindi pa sabay-sabay at kembutan lang nang kembutan, nagbabalik gunita raw tuloy ‘yung ibang kalalakihan na nanonood nu’ng araw sa clover theater at Manila Grand Opera House.

Sana raw ay mapahinga na sa eksenang gulat-gulatan para raw maka-move on na ang mga Kapuso promising stars at mabigyan naman ng mabigat na papel.

Nakakasawa rin minsan ‘yung pulos making faces nila palagi saka sana dagdagan naman ng mga nakakatawa talagang eksena hindi ‘yung pilit na pilit lang, sayang kasi ang kuryente!                                                                             

Show comments