Kung gusto talaga ng pribado… Vic at Pauleen, sa isla dapat pakasal

MANILA, Philippines – Tiyak na magiging malaking problema sa gaganaping kasalan nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang pagdalo ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach bilang bridesmaid.

Sigurado kasing dudumugin siya ng mga tao at mapupuno ang simbahan, hindi naman pwedeng ipagbatuhan ang mga taong gustong makasaksi kay Pia, ang Pilipinang nanalo ng korona sa Miss Universe pagkatapos ng 42 years na hinintay ng Pilipinas.

Dapat siguro ay sa isang isla ganapin ang kasal nina Pauleen at Vic para hindi lusubin ng fans na mga gusto lang makita si Pia.

Take note tiyak hindi ang ikakasal ang gusto nilang makita kundi ang bagong Miss U.

Alden at Jake palaliman ng dimples

Mukhang magkakaroon ng problema si Alden Richards sa pag-enter ni Jake Ejercito sa kalyeserye. Kung sa bagay, may dimples din kasi si Jake, at balitang paborito raw ng ina niya na si Laarni Enriquez si Maine Mendoza.

Maganda ring may bagong karakter na ipapasok dahil boring naman kug laging sina Alden at Maine lang ang nagpopormahan.

Nakakaumay na nga naman.                                                                                

Show comments