Liza Soberano has just turned 18 last Jan. 4 at kahapon ay nagkaroon siya ng birthday special presentation sa ASAP kung saan ay pagkaganda-ganda ng young actress sa kanyang red gown.
Nagkaroon ng 18 Roses Dance at kabilang sa nag-participate ang kanyang tatlong nakababatang kapatid na lalaki, her father and grandfather, ang manager niyang si Ogie Diaz at siyempre, hindi mawawala ang ka-loveteam na si Enrique Gil.
Short but sweet ang birthday wish ni Quen para sa debutante.
“Ang birthday wish ko para kay baby Hopie, I hope you never change. I hope you always pursue your dreams that all of us, all your family can be together. Stay the same. You know that I’ll always love you. We’ll always love you,” sabi ni Quen.
Kasama rin sa 18 roses ang mga nakasamang aktor ni Liza sa Forevermore na sina Bankie, Joey Marquez, Diego Loyzaga, leading man sa Everyday I Love You na si Gerald Anderson, Jake Cuenca, John Lucas, Jerome Ponce, Robi Domingo, Julian Estrada, and Yves Flores.
Nagpasalamat naman si Liza sa lahat ng mahal sa buhay na dumating at nakisaya sa kanyang birthday presentation.
“I am happy. Actually this is not the kind of thing I like. I get really nervous and tensed. But minsan, masaya pala siya. I’m really happy that they are all here on stage with me,” sey ni Liza.
Hindi rin nakaligtaan ng magka-loveteam na i-promote ang kanilang malapit nang iereng teleserye, ang Dolce Amore na ipalalabas sa primetime slot ng ABS-CBN.
At dahil nag-debut na si Liza, inaabangan ng lahat ngayon kung sasagutin na niya si Quen.
Miguel at Bianca, ‘di papaapekto sa pressure
Ayaw isipin ng mga bida ng seryeng Wish I May ng GMA 7 na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na ang loveteam nila ang pantapat sa KathNiel, JaDine, and LizQuen loveteams ng ABS-CBN.
“Hindi lang naman po kami ang loveteam sa GMA 7, and ayaw naman po naming i-claim or ayaw po naming sabihin na ganu’n, because kung titingnan naman po natin, ang lahat naman po ng loveteams talaga, whether here or sa kabilang network, pantay-pantay lang naman po talaga kasi basically, pare-pareho lang naman kami ng ginagawa and nagtatrabaho lang naman po kaming lahat,” say ni Bianca.
Sabi naman ni Miguel, ang goal lang naman nila ay magpasaya, magpakilig at mag-inspire ng manonood.
Siyempre dahil mga bata pa sila, hindi pa raw nila iniisip ang tungkol sa pagkakaroon ng relasyon.
Natanong sila kung gusto ba nilang maging boyfriend at girlfriend ang isa’t isa at sabi ni Miguel, “in the future, walang problema. Pero ‘wag muna ngayon.”
Say naman ni Bianca, “we’ll see in the future, hindi pa po talaga alam. Not yet there.”
Magsisimula na ang Wish I May sa Jan. 18 at papalitan nito ang timeslot ng Half Sisters. When asked kung may pressure ba on their part, ani Miguel, basta’t pagbubutihan na lang nila.
Walang nerbyos?
“Siyempre may pressure naman po, lahat ng ginagawa namin, may pressure ‘yan,” say ni Miguel.
Ayon naman kay Bianca, “pero hindi po namin hahayaan na maapektuhan kami ng pressure. Basta ang mahalaga po sa amin, masaya kami sa ginagawa namin at nakakapagpasaya at the same time.”
Sa pagbabu ni Kuya Germs, Dawn iba na ang tingin sa showbiz
Hindi napigilan ni Dawn Zulueta na maging emosyonal nang kapanayamin ng media sa wake ni Master Showman German Moreno. Ang aktres ay naging co-host ni Master Showman sa GMA Supershow noon.
“Iba na ang show business, wala na si Kuya Germs. Ang dami niyang tinulungan. Kasama na ako doon,” humahagulgol na sabi ni Dawn.
Pero kahit wala na si Kuya Germs, nagpahayag si Dawn na ipagpapatuloy na lang nila ang mga kabutihang itinuro at ipinakita sa kanila ng yumaong TV host/comedian.