Ni-reveal nga ni Julie Anne San Jose ang mga plano sa kanyang career ngayong 2016.
Unang-una ay gustong bigyan ni Julie ng priority ang kanyang pamilya.
Noong nakaraang taon kasi ay sobra siyang na-involve sa kanyang career kaya hindi niya masyadong nabigyan ng panahon ang kanyang pamilya.
“I want to give that right amount of quality time for my family naman.”
Sa school naman ay excited na ibalita ni Julie na ga-graduate na siya sa kursong Mass Communication sa Angelicum College.
“I am thankful kay God kasi kahit na naging busy tayo, nabigyan pa Niya ako ng lakas na matapos ko ang mga kailangan ko sa school in order to graduate.
“I’m happy kasi natupad na ang isang wish ko na makatapos ng college,” ngiti niya.
At para naman sa kanyang career, tuluy-tuloy pa rin ang mga shows na sinasamahan niya tulad ng Sunday PinaSaya, Buena Familia, Pepito Manaloto at Day-Off.
Dating Viva Hot Babe, dinokumento sa Instagram ang panganganak
Isang baby boy ang isinilang ng former Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl.
Nanganak si Jen sa Cardinal Santos Medical Center noong January 5.
Tyler ang pinangalan niya sa baby boy nila ng kanyang husband na si Jules Changco.
Sa kanyang Instagram account ay pinost agad ni Jen ang kanyang baby boy.
“Thank you for all the prayersgave birth jan05 9.30am baby tyler is healthy and I am also okay gonna rest muna,” caption pa niya.
Pero bago nga manganak si Jen ay well-documented ang kanyang panganganak sa Instagram.
Mula sa pag-admit sa kanya sa ospital, hanggang sa kanyang labor at pangangak.
Kaya pahinga muna si Jen sa kanyang taping ng Pepito Manaloto kung saan gumaganap siya bilang si Berta.
Gusto raw muna niyang ma-experience ang maging first time mother sa kanyang first baby.
Carla nanawagang ipasara ang Manila Zoo at Malabon Zoo
Kabilang si Carla Abellana sa nakikiusap sa gobyerno na ipasara na ang Manila Zoo at Malabon Zoo dahil hindi raw ito nakakabuti sa mga hayop na nakakulong doon.
Sa kanyang Instagram account noong nakaraang January 4, naglabas ng kanyang nararamdaman si Carla ukol sa hindi magandang kalagayan ng mga hayop sa Manila Zoo.
“This is terrible. All i know for sure is that this isn’t the first.
“I believe it’s best if they just close down Manila Zoo and even Malabon Zoo, quite honestly.
“These animals deserve to be in much better sanctuaries.
“I wouldn’t like to think they should be released in their true homes because either they’d be helpless in surviving on their own (because they were raised in captivity), hunted down and killed, or both.
“I hope our government won’t forget we actually have ‘zoos’. I wouldn’t even call them zoos. But more importantly, i hope our government will just close these zoos down and transfer the animals to sanctuaries such as the one in Calauit.
“Government officials, PLEASE HELP. #notoanimalcruelty#yestoanimalresponsibility.”
Sinamahan pa ni Carla ang kanyang post ng photo ng isang article titled Open Letter to Manila Zoo: It’s Not a Zoological Garden, It’s an Animal Prison by Marita Galvez.
Kabilang si Carla sa mga celebrities sa nakikipaglaban sa proteksyon ng mga hayop. Animal lover si Carla at may mga alaga siyang apat na aso.
Parati siyang nagpo-post ng mga tips kung paano alagaan ang mga pets.