Pero aminadong nawalan ng trabaho nang magpakasal Aiza naghahanda ng P1.5-M para mabuntis si Liza

Ngayong taon na balak ituloy nina Aiza Seguerra and wife Liza Diño na magkaroon ng sariling anak.

Ito ang ini-reveal ni Aiza kahapon sa presscon ng bago niyang show sa TV5, ang Born to be a Star.

“Towards the end of the year siguro. Pero siyempre, kailangan ding pag-ipunan,” she said.

They’re having a baby via IVF (In Vitro Fertilization) at isasagawa nila ito sa Amerika.

“We have to be there in the States for two months dahil ang mangyayari is, sa akin kasi manggagaling ‘yung eggs. So, ‘yung eggs ko, kailangang pare-pareho sila ng laki, para pag-ga­ther nila ng eggs, pantay-pantay.

“And then, they will store it, they will freeze it, and by the time, siyempre by then, mayroon na rin kaming donor,” paliwanag ni Aiza sa gagawing proseso.

Kapag nakakita na raw ng guy na donor, pagsa­samahin ang eggs niya at sperm ng guy at pagkatapos ay magpo-form ng embryo at pagkatapos ay ipapasok daw sa ovary ni Liza.

So, si Liza ngayon ang magdadala ng baby for nine months hanggang sa mailuwal niya.

Pwede raw nilang piliin ang magiging donor at kailangan daw nila talagang tingnan muna at i-check mabuti ang background, race at physical looks na rin siyempre ng magiging ama ng baby.

Kung siya ang tatanungin, say ni Aiza ay gusto rin niyang artistic ding tulad niya ang magiging donor nila.

“Parang hindi yata bagay sa akin kapag mayroon akong anak na ma­the­matician, alam mo ‘yun? Hindi ko siya matutulungan,” natatawang say ni Aiza.

Naikonsulta na raw nila sa doktor ang tungkol dito last year pa at nakapagpa-check na rin sila.

“I had myself checked last year, okay naman, my eggs are fine – unused but fine, and Liza’s okay also. So, ‘yun na lang ang hinihintay namin, ‘yung matagal nga kaming mawawala at kailangan din ng time kahit papano at makapagdiskarte rin kami ng work.”

Natanong din kay Aiza kung magkano ang magagastos nila para sa nasabing procedure at aniya ay aabutin daw ng $11,000 kung successful agad sa first try.

“But if not. . . basta sana, at least, meron kaming P1.5 million,” she said.

When asked kung bakit eggs niya at hindi kay Liza ang gagamitin, say ni Aiza, siyempre, gusto rin daw niyang magkaroon ng masasabing sarili niyang flesh and blood.

“And at the same time, swerte rin dahil si Liza will carry, andu’n din ‘yung responsibility na it’s ours talaga.”

Si Aiza ay isa sa hurado ng Born to be a Star at kasama rin niyang judges sina Pops Fernandez, Rico Blanco and Andrew E.

Ang hosts naman ay sina Ogie Alcasid, Yassi Pressman and Mark Bautista.

Sa Feb. 6 na magsisimulang mapapanood ang Born to be a Star at open ang auditios sa male and female applicants, edad 13-18.

Ang audition venues at dates ay ang sumusunod: SM City Bicutan, Jan. 9 & 10; SM City Sta. Mesa, Jan. 16 & 17; SM City San Mateo, Jan. 23 & 24;  at SM City Novaliches, Jan. 30 & 31. Magkakaroon din ng limang audition legs sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya ng Cebu, Davao, Batangas, Dagupan at Metro Manila simula sa March.

Magpe-perform sa show ang star hopefuls kada linggo kung saan ay apat na bagong contestants ang ipakikilala sa show.

Ang masusuwerteng magwawagi sa weekly rounds ay dadaan sa make-over session at mentoring sa ilalim ng highly-regarded vocal coaches ng bansa. Mula sa weekly round, ang magwawaging contes­tants ay maga-advance sa monthly final kung saan pipiliin ang mga lalahok sa finals night.

Ang Ultimate Star ay mag-uuwi ng kabuuang premyo na P3 million kabilang dito ang P1 million in cash, P1 million management contract mula sa Viva Ar­tists Agency (VAA) and TV5 at real estate property worth P1 million.

Show comments