Isa kami sa sumugod sa sinehan last Saturday ng tanghali at first choice namin na magkakasama ay ang All You Need is Pag-ibig ng Star Cinema pero sadly tinanggal na agad ito sa SM Molino.
Ayon sa teller ay mahina raw kaya na-pull out agad ang movie.
Sa apat na movie houses, ang pagpipilian lang ay My Bebe Love at Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin.
Since sobrang haba pa ng pila sa My Bebe Love, go nalang kami sa Beauty….
Pagpasok namin sa sinehan, asus wala ring maupuan kaya nagkasya na ang mga tao sa nakasalpak sa daanan habang naghihintay, at ayaw munang magpapasok dahil puno pa ang loob.
Sulit naman ang paghihintay dahil as usual gumana na naman ang magic ni Vice Ganda sa pagpapatawa.
At hindi lang pala pang-aksyon at drama ang husay ni Coco, kuwela rin siya sa ilang mahihirap na eksena nila ni Vice. Puwede rin pala si Coco sa comedy na walang effort na kayang makipagsabayan sa kalokohan ng mga kasama niya sa movie.
In fairness, love ng manonood ang pang-aasar ni Coco kay Vice sa movie at patok din ang mga batuhan ng dalawa sa misyon nila habang nawawala ang prinsesa ng Russia na kasali sa isang beauty pageant na ginaganap sa bansa.
Maganda rin ang moment nina James Reid at Nadine Lustre na bitin ang exposure.
Mabuti na lang binigyan din sila ng mga eksenang markado lalo na si Nadine sa sampalan blues nito sa isang nurse.