Saanman, Kailanman

MANILA, Philippines – Si Aurora Lee (gitna) ng Sampaloc, Manila ay nakatanggap ng P5,000 at Eveready gift pack mula sa mga kinatawan ng Eveready Philippines na sina (L-R harap) Martin Valenzuela, brand activation manager; Benie Nuguid, area supervisor; (L-R Likod) Josepf Opena, gene­ral trade regional sales manager; at Alex Pambid, direct accounts supervisor habang ineere ang kanilang segment na Sugod Sari-sari Store sa noontime show na Eat Bulaga kamakailan. Ayon sa na­nalong si Lee, 55, gagamitin nito ang napanalunang limanlibong piso sa pagpundar sa kanilang tindahan at pandagdag sa pagpapaaral ng kaniyang nag-iisang anak.

Aniya. “Ang laking tulong ng naibibigay ng Eveready, hindi lamang saming pamilya kundi pati na rin dun sa mga bumibili nito saming tindahan. Sa panahon ng sakunam dapat talaga lagi kang may battery, may flashflight, at iba pa. Hihikayatin ko ang mga kaibigan ko na bumili ng Eveready para laging maging handa.”

Show comments