Para sa ika-10th anniversary ng programang Day Off, gagawing isang chambermaid ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa Hong Kong.
Hindi nga raw alam ni Julie Anne at ng kasama niyang si Pekto ang mga gagawin nila sa Hong Kong.
“Wala kaming idea kung ano talaga ‘yung gagawin namin.
“Tapos nung sinabi sa amin ‘yung magsi-switch daw kami ng work.
“Ang trabaho namin doon, naging chambermaids kami.
“At the end of the day, masasabi mo na parang ‘Wow,’ napaka-fulfilling pala ng ginawa mo ‘tsaka parang na-realize mo na hindi talaga ganun kadali ‘yung ganitong klase ng trabaho,” diin pa niya.
Nagpapasalamat din si Julie Anne dahil sa parangal na ibinigay ng 28th Awit Awards sa kanya.
Nakuha niya ang awards for Best Rap Recording at Best Selling Album of the Year.
“Maraming salamat po sa Panginoon kasi binigyan niya po ako ulit ng isang napakagandang biyaya,” pagtatapos pa ni Julie Anne San Jose.
Maine walang paki kahit marami ng bashers
Kahit may mga bashers na ngayon ang kalyeserye loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub, pinapasalamatan din nila ang mga ito dahil kapalit ng mga iyon ay ang mga blessings na natatanggap nila.
Never naman daw naapektuhan si Maine sa mga bashers at kibit-balikat na lang siya sa mga ito.
“Ngayon po ang daming nagba-bash talaga sa amin, sa AlDub and sa akin.
“Pero ako, before iniisip ko po talaga bakit ‘pag nakakabasa ako ng negative about sa akin nagtataka ako bakit hindi po ako affected.
“Pero naisip ko ang weird dapat affected ako, kasi masama ‘yung sinasabi nila tungkol sa akin, parang pangit.
“So parang, bakit ako kebs lang, pero good thing naman po siguro na ganun po ‘yung reaction ko po sa bashing po ng tao,” diin pa ni Maine.
Sanay na nga raw si Maine sa mga batikos ng ibang tao sa kanya kahit na noong hindi pa siya active sa social media.
Mas mainam daw na huwag na lang siyang mag-react para walang napag-uusapan.
Mas okey daw na pag-usapan na lang ng mga ito ang nalalapit nilang pelikula na My Bebe Love kunsaan kasama nila sina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Magbubukas ito on Christmas Day, December 25.
Taylor Swift businesswoman na rin
Pinatunayan ulit ni Taylor Swift na hindi lang siya mahusay na singer-songwriter kundi magaling din siyang businesswoman.
Pagkatapos ng ilang negotiations with Apple Music, sa naturang music streaming service lang mapapanood ng exclusive ang kanyang 1989 World Tour Live starting December 20.
Nag-tweet nga si Taylor tungkol sa paglabas ng kanyang concert sa Apple Music. Para na rin ito sa celebration ng kanyang ika-26th birthday.
“Thank you so much for all the birthday wishes. I have a little surprise for you,” tweet pa niya.
Nagkaroon ng magandang relasyon si Taylor at ang Apple Music pagkatapos na hilingin ng singer-songwriter na bayaran ang mga artists na gagamit ng kanilang streaming service during its free trial sa mga magda-download nito.
Ang 1989 album ni Taylor ang number one album ng taong 2015 since nai-launch ito noong October 2014. Bumenta na ito ng 5.5 million copies in the U.S. alone.
Umani na ito ng ilang music awards tulad ng Billboard, American Music Awards, Video Music Awards at nakakuha rin ng walong nominations para sa Grammy Awards in 2016.