No holds-barred ang pocket presscon ni Albert Martinez with some entertainment press sa bagong B Hotel in Scout Rallos, Quezon City.
At tinotoo naman ni Albert na lahat ng tanong sinagot niya. Una tungkol sa hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang maka-move on sa pagkawala ng asawang si Liezl Martinez.
Ang nangyari rin sa mother-in-law niyang si Amalia Fuentes na na-stroke noon sa South Korea but now is recovering.
Pero kung may malungkot mang nangyari sa kanya at sa mga anak niya, career-wise ay masaya siya dahil parehong successful ang dalawa niyang soap sa ABS-CBN, ang All Of Me na katambal niya ang 21-year old na si Yen Santos. At sa Ang Probinsyano na kontrabida siya ni Coco Martin.
Click ang team-up nila ni Yen kaya hindi naiwasang tanungin si Albert hindi ba niya inisip na baka i-link sila off-camera? Open ba siya na muling mag-asawa?
“Hindi ko rin masabi,” sagot ni Albert. “I’m only 54, but right now hindi ko iniisip iyon. Mas gusto ko nga magkaapo na, kasi nami-miss ko yung may bata sa bahay. Eh, kaso ang mga anak ko, wala pang balak mag-asawa. Si Alyanna is now 30, si Alfonso, 29 at si Alyssa, 22 na. Pare-pareho na silang may boyfriend, girlfriend, na-meet ko na rin sila and their parents, pero wala pang may gustong mag-asawa. Isa pa, hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mga anak ko sakaling gusto kong mag-asawa muli.”
Paano kung may magparamdam sa kanya, dahil at 54, mukhang bata pa siya. Kapag may ganoon daw, nagiging cautious siya, siya na ang umiiwas, dahil ayaw din niyang makasakit ng damdamin ng iba.
Aminado rin si Albert na sa ngayon, hindi pa niya kayang palitan ang asawang si Liezl. Patuloy pa rin daw niyang napapanaginipan ang asawa, tatlong beses na at “she’s very beautiful in my dreams.”
Plano ni Albert na kapag natapos na niya ang taping ng Ang Probinsyano sa July, 2016, maghahanap siya ng good material, a feel-good movie na siya ang magpu-produce, para sa kanila ni Yen. Tuwang-tuwa raw siya sa pagiging probinsyana ni Yen.
Wally burado na talaga ang masamang nakaraan
May ganito palang issue noon tungkol kay Wally Bayola. Nakuha namin ito at we give credits to @katolikongpinoy:
“It has been long rumored that after his big mistake, Wally was prevented to appear in the Coca-Cola sponsorship segment in JFA-AFJ (Juan For All-All For Juan) to prevent its involvement to bad image, though he expressed regret ang made a public apology.
“He proved worthy of the second chance by raising the bar for upholding good morality in his Lola Nidora drag. His appearance in the Coca-Cola Christmas commercial is heartwarming. This Season is a time of Mercy indeed, of peace and reconciliation. Salute to Wally Bayola and to Coca-Cola.”
Hindi masyadong napansin ang isyung ito noon, dahil matagal ding nawala si Wally sa Eat Bulaga.
Salamat Eat Bulaga at sa TAPE, Inc. sa muling pagbibigay nila ng second chance kay Wally, at ngayon, salamat sa Coca-Cola na isinama pa nila si Wally sa TVCommercial ng well-loved loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.