Sa totoo lang, Salve A., miss na miss na namin ang dating MMDA (for Metro Manila Development Authority) Chairman na si Atty. Francis Tolentino.
Especially, in his capacity as chair of the yearly Metro Manila Film Festival (MMFF).
While in the past years, this early, armed na tayo with a press release, enumerating the numerous activities involving the film event, this time, ‘nganga’ (for tatanga-tanga) tayong lahat.
Huwag daw tayong nag-e-expect na magkakaroon ng presscon, since, ayon daw sa isang reliable source na malapit sa ilang ‘powers’ behind the upcoming MMFF, tutal naman daw ‘di dumarating ang mga artistang involved sa event, so bakit pa kailangan ang presscon?
Please comment, Salve A.
Kung sabagay, on their own, kanya-kanyang ‘kayod’ ang producers na may entries sa darating na MMFF.
In fact, nakapag-organize na halos ang mga producers ng Walang Forever, All You Need Is Pag-ibig, Beauty and the Bestie, Buy Now, Die Later, Haunted Mansion, and My Bebe Love, ng kani-kanilang presscons.
Somehow, ideya na rin ang mga manonood kung aling pelikula ang kanilang unang panoorin,.
O, Ikaw Salve, which among the entries will you watch na una?
Anak ni Jericho sa pagkabinata, hindi pa nakikita ng misis?!
Unlike his fellow Kapamilya, John Prats, who can hardly wait na maipanganak na ang kanilang first baby ng asawang si Isabel Oli, Jericho Rosales appears not anxious.
Well, not yet, to get his non-showbiz wife, Kim Jones, pregnant.
As Jericho announced during the presscon of his MMFF entry, Walang Forever, with Jennylyn Mercado, usapan nila ni Kim to make the most of each other yet, bago sila mag-anak.
For one, they want to travel to places abroad, which they will mutually agreed.
“Mahirap na kasi kapag may anak kayo. Lalo na on the part of Kim, na ang balak ay maging stay-home Mom kapag may anak na kami,” pahayag ni Jericho.
Kung sabagay, reports said na may anak nang magti-teenager si Jericho with sa kanyang pagkabinata.
“Nahihiram” naman daw ni Jericho ang anak sa ina nitong si Kai Palomares.
I wonder if na-meet na ni Kim ang bata?
Alonzo at Marco, siguradong agaw-pansin sa float
Tiyak magiging agaw-pansin ang mga child stars na sina Alonzo Muhlach at Marco Masa, when they join Vice Ganda, Coco Martin, James Reid at Nadine Lustre, sa float ng Beauty and the Bestie, which is the Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema at Viva Films.
It’s the first time for the two na makasama sa isang MMFF movie.
Between Alonzo at Marco, mas nakakarami nang nilabasang projects, mapa-pelikula o TV si Alonzo.
Marco’s first and only ‘exposure’, so far before Beauty and the Bestie, was the high rating series, Nathaniel.
Well, asked sina Vice Ganda at Coco kung sino sa dalawang bata ang impressed sila, tanging ngiti lang ang sagot nina Vice Ganda at Coco.
Ganundin sina James at Nadine.
11 taong pagkamatay ni FPJ, ginugunita
Today, Salve A., exactly ang 11th year death anniversary ni Fernando Poe, Jr., or Ronnie sa malalapit sa kanya.
Let’s all say a prayer for the repose of his soul.
Exact date ng kamatayan ni FPJ; December 14, 2004.