Sinesegundahan ni Gabby Eigenmann ang pahayag ng kanyang half-sister na si Andi Eigenmann na si Jake Ejercito ang “tatay” ng anak ng young actress na si Ellie.
“Sinabi niya na si Jake raw ang tinuturing na tatay ni Ellie. I agree. The way that Jake showed the family, na kung anuman ang pinagdaanan ni Andi nung nabuntis siya, hanggang sa manganak siya, Jake was there to support all the way,” pahayag ni Gabby nang makausap namin sa PPL Entertainment Christmas party for the entertainment press last Tuesday.
Sobrang suporta raw talaga ni Jake kay Andi kaya naman kung siya ang tatanungin, talagang very vocal naman siya sa pagsasabing ang binata ang gusto niya para sa kanyang kapatid.
“Gusto ko silang magkabalikan pero siguro, nasa tamang panahon lang ‘yan.”
Ang latest nga ay may bagong boyfriend na raw si Andi at ayon kay Gabby ay hindi raw niya alam dahil hindi pa niya ito nakikita.
Pinagsasabihan daw niya si Andi na okay lang to go out dahil dalaga naman ito pero siyempre, dapat ang anak pa rin daw ang priority.
“Nakikinig naman siya,” say ni Gabby.
Samantala, present din sa Christmas party ang lahat ng alaga ni Perry Lansigan na sina Jolina Magdangal, Rochelle Pangilinan, Carl Guevarra, LJ Reyes, Carlo Gonzalez at Wendell Ramos.
Disqualification ni SGP hindi na ikinagulat ni Atty. Kapunan!
Ayon kay Senatorial candidate Atty. Lorna Kapunan, hindi na siya nagulat sa pagkaka-disqualify ng COMELEC sa kapartido niyang si Sen. Grace Poe who as we all know, is running for President sa 2016 elections.
Na-disqualify si Grace na tumakbong Presidente dahil sa hindi raw nito pagiging natural-born Filipino.
“Hindi ako nagulat at ang Partido ng Galing at Puso (partido nila ni Grace) ay hindi rin nagulat. Apat ang disqualification cases na ‘yan. Even after the jubilation nang lumabas ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal kung saan ay five Senators voted in her favor, eh parang ina-anticipate na na yayariin sa COMELEC.
“I’m not casting aspersions sa COMELEC because kung babasahin natin ‘yung decision, eh sabi nga nila, interpretation ang decision nila,” sabi ni Kapunan.
Nagbigay ng paliwanag si Atty. Kapunan tungkol sa isyung ikina-disqualify ni Grace but bottomline, sila, sa buong partido ay hindi raw susuko.
Kahapon din ay nag-usap-usap daw ang lahat ng Senatoriable ng partido via text message.
“Ang public statement is what she (Grace) said in the papers today. That she is saddened, that she is sad that this has to be the decision of the COMELEC but she is not giving up.
“‘Yun naman ang posisyon ng partido. We will not give up. How can you be 48% in trust ratings or in voters’ preference and not be able to run for President of this country? How can that be? So you are depriving the majority of those who prefers her,” saad ni Kapunan.
May mga ispekulasyon din na dahil sa nangyari ay magkakawatak-watak na raw ang senatorial slate ng partido at ang iba ay lilipat na sa ibang partido pero ani Kapunan ay hindi raw mangyayari ito.
“Sabi nga nila, because I was also endorsed by Mayor Duterte, even before he decided to run, he endorsed me as a candidate.
“Nagtatanong sila because they’re forming a senatorial slate. I’d be very happy if I were officially endorsed. Because without preempting their decision, gumagawa sila ng slate picking from common candidates.
“Will there be a shifting? I don’t think so. Even if she is disqualified. First, I don’t think she will be disqualified. Second is, I don’t think she will be disqualified,” sey pa ni Atty. Kapunan.
Mas marami pa rin ang sa JaDine, KathNiel dinumog lang daw ng 11-k fans
Tinatayang 11,000 fans ang dumagsa noong Linggo (Nov 29) sa Ayala Fairview Terraces para masaksihan ang mga sorpresang hatid ng Pangako Sa ‘Yo stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pati rin sa tambalan nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion sa PSY Thanksgiving Day.
Malakas na hiyawan at tilian ang sumalubong sa KathNiel at AmorAdo na nag-alay ng ilang awitin para sa kanilang masusugid na supporters. Namahagi rin sila ng ilang maagang pamasko na lalo ring kinagilawan ng kanilang fans.