Andi tinalbugan daw ang acting ni Hilda Koronel!

Dahil nga unang pinagbidahan ni Hilda Koronel noong 1980 ang pelikulang Angela Markado, expected na ico-compare ito sa remake ngayon ng movie na pinagbibidahan naman ni Andi Eigenmann.

Hinangaan at award-winning ang Lino Brocka film na ito noon at talaga namang ikino-consider na isa sa pinakamagagandang pelikula sa history ng a­ting Pelikulang Pilipino, idagdag pa nga rito ang napakahusay na portrayal ni Hilda.

Sa bagong Angela Markado, si Direk Carlo J. Caparas na ang direktor na siya ring orihinal na sumulat ng story nito noon.

Ayon kay direk Carlo J. sa presscon held last Tuesday, ibang-iba raw ang ata­k­eng ginawa ni Andi sa Angela Markado kaysa sa ginawa ni Hilda.

“Ang atake kasi ni Hilda Koronel sa Angela Markado noon, ‘yung naka-illicit ng sobrang awa ng tao. Dito sa ginawa ko kay Andi Eigenmann, ‘yung performance, ‘yung attact niya sa role, ito makaka-illicit ng sympathy sa mga tao,” say ni direk.

Say pa niya, hindi raw dapat i-compare ang dalawa pero kung siya ang tatanungin, sa tingin daw niya ay si Andi ang may mahusay na performance.

“No comparison. Hindi natin pwedeng pagparehuhin ang level ng acting ng dalawa. Ibang-iba ang ginawa ni Hilda at ibang-iba rin ang ginawa ni Andi. For me, siguro komo ako ang direktor ni Andi, talagang hands down, Andi Eigenmann ang best performance.

“Pero sa paningin ni National Artist Lino Brocka nang panahon na ‘yun, si Hilda pa rin ang best. Nakapag-uwi ng karangalan si Lino Brocka sa Angela Markado noon para sa bansang Pilipinas na napanalunan niya sa France, ito naman, naghahangad din kami na makakuha ng karangalan kung magkakapalad kami sa mga award-giving bodies dito sa Pilipinas,” sabi ni direk.

Say naman ni tita Donna, “pareho namang magaling sina Hilda at Andi, kaya lang magkaibang henerasyon siguro. But they’re both great actresses.”

Showing na ang Angela Markado sa Dec. 2 at kasama rin dito sina Epi Quizon, Paolo Contis, Felix Rocco, Polo Ravales and CJ Caparas bilang mga rapist ni Andi. Also in the cast are Bret Jackson, Anna Roces, Marita Zobel, Bembol Rocco at mga bagets na sina Mika dela Cruz, Ysabelle Peach, Bugoy Carino and Buboy Villar.

Lovi at Heart, magkasamang mangangampanya

Last day na ng taping ng Beautiful Strangers noong Lunes kaya emosyonal ang cast na pinapangunahan ni Heart Evangelista at Lovi Poe.

“Our friendship got even deeper because of Beautiful Strangers. I’ll miss seeing you guys on a regular basis!” sabi ni Lovi sa isang larawan na ipinost niya sa Instagram kasama si Heart, Benjamin Alves at si Rocco Nacino.

Magkasama si Lovi at Rocco sa picture kahit napapabalitang nag-break sila two weeks ago.

“One of my favorite shows #beautifulstrangers is almost about to end... :( I will miss you all!” sabi naman ni Heart sa isa pang picture ng buong cast ng teleserye ng GMA 7.

Ngayong matatapos na ang teleserye ni Heart at Lovi, inaasahan na mas marami na silang time para mag-ikot sa bansa para tumulong sa kandidatura ni Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero sa susunod na taon.

Nauna nang sinabi ng mister ni Heart na si Chiz na posibleng magsama ang misis at si Lovi upang ikampanya sila ni Grace.

“Kapag umikot man si Heart, malamang ang kasama niya ay isa sa mga matalik niyang kaibigan na kapatid ni Senator Grace na si Lovi. Para pag umikot sila ay ‘Poe at Escudero’ rin sila,” natatawang sabi ni Chiz sa isang radio interview.

Miss Beauche Int’l Steffi Aberasturi, may hawig kay Melanie

Ang bet naming si Steffi Aberasturi ng Cebu ang kinoronahang Miss Beauche International 2015 na ginanap last Sunday sa SMX Convention Center Hall 4.

Sa pagsisimula pa lang ng pageant ay napansin na namin agad si Steffi dahil kamukha siya ni Melanie Marquez noong bata. Kaya naging manok agad namin siya.                                                        

Miss Beauche-Tourism (first runner-up) naman si Andrea Fe Gomez ng Baguio City, Miss Beauche-Luzon si Roschelle Andrea Miranda ng Dagupan, Miss Beauche-Vizayas si Irjana Arcena ng Davao at si Cherlyn Villena naman ng Benguet ang Miss Beauche-Mindanao.

Si Steffi rin ang nanalo ng karamihan sa mga special awards na Best in Swimsuit, Best in Gown at Choice of the Press.

Bilang Miss Beauche International, tumanggap si Steffi ng Php500,000,00 cash prize plus the chance of getting lucrative business from Beauche plus being the endorser for one full year.

Sa totoo lang, ang bongga ng presentation ng Miss Beauche International at halatang pinaghandaan at ginastusan. Opening salvo ang pagrampa ng 23 candidates wearing Filipiniana gowns at talagang mapapa-wow ka sa kanilang mga kasuotang gawang Pinoy.

Hinirang na Best in Regional Costume si Yaldene Ferrer ng Lingayen at stand-out naman talaga ang costume niya with matching malaking tapayan or banga na nakapatong sa ulo. Unique, ‘di ba naman?

Robi Domingo hosted the event habang nagsilbi namang mga hurado sina Diana Zubiri, Miriam Quimbao, Paolo Ballesteros, RJ Nuevas, fashion designer Leo Almodal, Miss Beuche International 2013 Anne Mabelle Ubando at ang chairman of the board of judges Miss Universe 1969 Gloria Diaz. Special guest naman si Angeline Quinto.

Show comments