Naiintriga ang ilang netizens sa bawat post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ng mga isinuot niyang Filipiniana sa events na dinaluhan niya para sa APEC World’s Economic meeting nitong mga nakaraang araw. Ilan ba ‘yung isinuot niya’t idinispley sa pinuntahan niya?
Una niyang inilabas ang pagkikita nila ng Mexican President na si Enrique Nieto.
Then, face to face niyang nakaharap si U.S. President Barack Obama sa dinner sa SM Mall of Asia Arena last Wednesday. Ibang Filipiniana rin ‘yon, huh!
Kahapon, sa luncheon para sa APEC delegates’ spouses, proud uli siya sa sinuot na Filipiniana na gawa sa Antipolo, Rizal. ‘Yun nga lang, may nakita kaming post niya na kung Filipiniana ang suot niya sa luncheon, ‘yung mga sisters niya ay hindi ganoon ang suot, huh! Saka sa invitation, may “and” si Kris sa list, huh!
Sey ng isang netizen, hayaan na lang ang trip ni Kris. After all, humingi naman daw siya ng paumanhin sa epekto ng APEC sa ilang nating kababayan na APECtado ng traffic, huh!
Juancho Trivinio pinalampas ng fans sa ginawang spoof kay Alden
Si Juancho Trivinio ang uma-Alden Richards sa spoof ng AlDub sa Bubble Gang. Akala nga niya ay maba-bash siya to the max sa panggagaya niya sa Pambansang Bae.
“Positive effect! Naaliw sila. Wala kaming bashers kahit na isa,” pahayag ni Juancho sa huling pakikipag-usap niya para sa GMA series na Little Nanay.
Dating classmate ni Juancho si Alden sa La Salle Canlubang College. Business Management ang course nila.
Kaya nu’ng minsang magkita silang dalawa sa Sunday PinaSaya, nag-congratulate si Juancho sa achievements ng kaklase. Aminado ang GMA Kapuso actor na mas matalino sa kanya si Alden at punctual.
“Mas matalino siya. Backseat boy ako! Ha! Ha! Ha!” tugon ng aktor. Dagdag niya, mas heartthrob si Alden at mas approachable.
Sa success ni Alden, gustong gawing inspirasyon ni Juancho ang dating kaklase dahil bago sila sumabak sa showbiz, pareho muna silang nagsimula sa modeling.
Eula mas gusto nang mag-makeup kesa mag-artista
Pinaplano na ng TV5 star na si Eula Caballero na mag-aral mag-makeup sa Amerika. Sa totoo lang, sinimulan na niya rito na mag-aral ng makeup.
“I am really planning to take it up sa New York. Depende lang sa kaya ng budget! Ha! Ha! Ha! New York is a lot more expensive.
“’Yun po talaga ang plano ko na i-pursue ang makeup. I am specifically leaning on special effects,” saad ni Eula sa press launch ng season 5 ng Wattpad Presents kung saan sila ni Mark Neumann ang magkasama sa episode na Wrong Number.
May posibilidad daw na maiba ang tahakin niyang career dahil sa pagmi-makeup.
“Pero hindi pa rin kasi nakakapag-meet sa people regarding plans sa showbiz side. Yes I know na patapos na ang kontrata ko. Matatapos na next year, sa January, eh wala pa rin akong nakakausap regarding contracts, formal offer. So hindi ko pa masabi ngayon.
“So ang plano ko lang ngayon is school dahil wala pa namang akong natatanggap. Right now, mas malaking percentage ‘yung nandoon sa pursuing school and make up in the States,” katwiran ni Eula.