Andre laging nakahawak sa beywang ni Yassi

Naaliw kami habang pinapanood na ini-interview ng TV sina Andre Paras at Yassi Pressman pagkatapos ng presscon ng comedy-horror movie na Wang Fam na pinagbibidahan din nina Pokwang at Benjie Paras, sa direksyon ng box-office director na si Wenn Deramas.  

Paano habang sumasagot si Andre sa mga tanong tungkol sa kanila ni Yassi at sa isa pa niyang ka-love team na si Barbie Forteza ng afternoon prime nilang The Half Sisters (THS), nakakapit ang left hand niya sa waist ni Yassi.

Kapag si Benjie ang tatanungin, mas kilala na raw kasi niya si Yassi, na kasama ang ibang friends ay isinasama ni Andre sa bahay nila.  

Pero wala rin daw naman siyang masasabi kay Barbie na nakasama rin nila ni Andre sa Japan nang mag-taping sila roon ng THS at ngayon na pumasok muli siya sa serye.  

Pero sa huli raw naman, si Andre din ang magdi-decide kung sino ba ang gusto nitong maging girlfriend.  

Ayon naman kay Andre, wala siyang problema sa mga fans ng Yandre (Yassi-Andre) at fans nila ni Barbie dahil hindi naman sila nangba-bash sa halip ay sinusuportahan siya ng dalawang fan clubs.

Mapapanood na simula sa November 18 ang movie in cinemas nationwide at biniro si Direk Wenn Deramas na blockbuster na naman ang Wang Fam dahil holiday ang araw na ito.

Dennis at Jennylyn tutuldukan ang pagsasama

Final episode na tonight ng My Faithful Husband na kahit medyo malungkot ang story, hindi mo naman bibitiwan gabi-gabi ang panonood dahil sa mahuhusay na acting nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Snooky Serna, Rio Locsin, Mikael Daez, Noni Buencamino, kahit ng dalawang batang gumanap na mga anak nina Dennis at Jennylyn.

“Sa rami nang pinagdaanan ng pamilya nina Emman (Dennis) at Mel (Jennylyn) isa ito sa pinaka-challenging na ginawa namin ni Jen,” sabi ni Dennis. “Pinaka-heavy drama na naming nagawa kaya happy kami na ipinagkatiwala ito sa amin ng GMA 7.  Natuwa rin ako na sa halip na unfaithful husband ako sa story, naging faithful ako at maunawain sa asawa ko, ‘di tulad ng usual na kuwento ng mag-asawang may problema sa relasyon.”

“For a change, hindi naman ako masyadong mabait na wife dito, nagkamali rin siya pero naging palaban at independent sa pagi­ging isang may asawa sa lalaking mabait at minahal niya nang totoo,” sabi naman ni Jennylyn.  “Masaya ako kasi maganda iyong kinalabasan ng soap at salamat sa inyong pagsubaybay sa amin gabi-gabi.”

AiAi sinisimulan na ang promo ng pelikula sa kalyeserye

Birthday ni AiAi delas Alas last November 11, nang pumasok siya sa kalyeserye ng Eat Bulaga na gumanap siya bilang lola ni Alden Richards, si Dona Barbara Latisha Rockfeeler vda de Faulkerson o si Lola Babah.  

Umuwi siya ng Pilipinas mula sa Russia (na ang mga maleta ay balot ng plastic dahil nabalitaan daw niya ang laglag-bala sa airport) para tulungan ang apo na may problema sa nawawalang singsing na ipinagkatiwala sa kanya ni Lola Nidora.  

Nag-offer si Babah na papalitan na lamang niya ng 100 pieces of singsing ang nawawala pero hindi pumayag si Nidora ang mahalaga raw ay matagpuan ang singsing na minana pa nila sa kanilang mga ninuno.

Tiyak na simula na ito ng promo para sa My Bebe Love na entry sa coming Metro Manila Film Festival sa December na tampok sina Vic Sotto, AiAi, Alden at Yaya Dub.

Show comments