Female singer na malakas ang hatak sa mga lalaki, may agimat?!

MANILA, Philippines - Kahit may edad na, kakaiba pa rin ang dating ng isang female singer na kahit napakagaling kumanta ay hindi naman talaga sumikat.

Maraming younger men ang nahahalina kay female singer.

Hindi naman inuurungan ni female singer ang mga lalaking nagnanais na makasama siya intimately.

Mapagbigay si female singer.

Bilib nga ang mga kaibigan ni female singer sa kanya. Parang may kakaibang agimat daw siya na talagang naa-attract ang mga kalalakihan.

Boss Vic ililipat ang mga Viva talent sa TV5?

Inaabangan na ang pagpasok ng Viva Television sa TV5.

Marami ang naniniwalang mapapalakas ni Boss Vic del Rosario ang TV network na pinamumunuan ng businessman na si Mr. Manny V. Pangilinan.

Next year daw ay babaguhin ni Boss Vic ang primetime programming ng tinaguriang Kapatid network.

Marami raw ang magugulat sa shows na naka-line-up sa TV5.

Samantala, may nagtsika naman na hindi ililipat ni Boss Vic sa TV5 ang big stars na hawak niya na kasalukuyang nakakontrata sa ibang TV networks.

Assunta hindi susukong magpabuntis

Kung ang ibang politicians ay misis o mister nila ang humahalili sa kanila kapag tapos na ang termino nila, iba naman ang istorya ng mag-asawang Cong. Jules Ledesma at Assunta de Rossi.

Walang balak kumandidato si Assunta sa pagka-representative sa lugar ng kanyang mister kahit hindi na kakandidato sa 2016 elections si Jules.

Actually, mas excited ngayon si Assunta na mas makapagbakasyon sila ni Jules dahil hindi na nga magiging abala sa pulitika ang kanyang mister.

Kapag natapos na raw ang Your’re My Home teleserye niya sa ABS-CBN ay malamang daw na magbakasyon sila ni Jules sa ibang bansa na sila lang talaga.

Siyempre pa, ita-try pa rin daw nila na magkaanak.

Gusto pa rin ni Assunta ang magbuntis at hindi siya sumusuko sa idea na magkakaroon din sila ng sariling anak ng kanyang mister.

Malalaki na ang mga anak ni Jules sa yumaong misis na inaalagaan ni Assunta.

Pero hindi nagkikita Yayo at William madalas manood ng UAAP games

Madalas na nagkakasabay sa panonood ng UAAP games ng Ateneo de Manila University ang estranged couple na sina Yayo Aguila at William Martinez.

Pero kahit nagkakasabay, hindi naman umuupong magkatabi sina Yayo at William.

May mga pagkakataon na kahit pareho silang nasa game, hindi naman sila nagkikita.

Kahit hiwalay na nga pala sa mister, hindi naman iniisip ni Yayo na magkaroon uli ng bagong karelasyon.

Mukhang kuntento na si Yayo sa pag-aasikaso ng mga anak nila ni William.

 

Show comments