Bukas ay araw ng pagdalaw sa mga yumao nating kamag-anak, pero si Congressman Alfred Vargas, dalawang beses nang dumalaw sa puntod ng namayapa niyang ina. Una, noong magpa-file siya ng COC bilang Congressman muli ng District 5 ng Quezon City para humingi siya ng guidance at protection. Naniniwala raw kasi siya na wala man physically ang parents niya rito, gina-guide pa rin siya ng mga ito at nararamdaman daw niya ang force na pumuprotekta sa kanya.
Nang malaman niyang wala siyang kalaban o walang ibang kumandidato na congressman ng distrito, muli siyang bumalik sa puntod ng ina at umiiyak na nagpasalamat. Natatandaan niyang napakalaki ng ginawa ng mommy niya nang kumandidato siyang Congressman, at malaki siyang factor sa kanyang pagkapanalo. Kaya tiyak daw na kung nakikita siya ng mommy niya ngayon, tuwang-tuwa iyon.
Naniniwala rin si Cong. Alfred na nakatulong sa kanya para mahalin ng constituents ang pabahay project na tinawag niyang Vargas Village located sa iba’t ibang barangay para sa mga nawalan ng bahay noong mga nagdaang kalamidad. Sa halip na ilipat nila sa iba’t ibang relocation, ipinagpatayo sila ng bahay na babayaran nila for 25 to 30 years sa halagang P800.00 a month. May proseso silang pagdaraanan kung paano sila makaka-avail nito at kung maisa-submit nila lahat ang kailangan, makakukuha sila ng bahay na may 25 sq. m. ang laki. Financed ito ng gobyerno na ibinibigay sa kanyang distrito.
Amy ayaw magteleserye
Masaya si Amy Perez na sa muling pagri-renew niya as endorser ng Strike Multi Insect Killer ng ATC Healthcare ay mayroon na siyang TV Commercial kasama ang kanyang pamilya. Ipinagmamalaki talaga ni Amy ang ini-endorse niyang product dahil very effective ito laban sa lamok at iba pang insekto sa bahay. Feeling daw niya, panatag siya kahit umalis ng bahay para pumasok sa Umagang Kay Ganda sa umaga sa Channel 2 at sa Sakto sa dzMM radio with Marc Logan, dahil alam niyang nalinis niya ang bahay at nakapag-spray ng Strike na eco-friendly.
Si Amy ay kasal na sa asawang si Carlo Castillo, reporter ng TV5 at dalawa na ang kanilang anak, sina Kyle at Isaiah. Kasama rin nila ang anak niyang si Adi sa first husband niyang si Brix Ferraris.
Hindi ikinaila ni Amy na nasa process ng adoption si Carlo kay Adi. Medyo kinailangan daw nilang kumbinsihin si Adi na nasanay na walang tatay for 18 years, pero na-realize rin nito na mas masarap pala ang may tatay.
Nagpapasalamat siya na matiyaga si Carlo sa mga ginagawa nito.
Dahil sa personal niyang pag-aalaga sa kanyang pamilya, masaya si Amy na muli siyang nakabalik sa ABS-CBN at hindi siya nawawalan ng trabaho. Pero ayaw muna niyang gumawa ng teleserye, kung may offer daw na movie ay baka pwede niyang tanggapin.