Aminado si Gerald Anderson na talagang kinailangan siyang kumbinsihin ng direktor ng Everyday I Love You na si Mae Cruz-Alviar na tanggapin ang pelikula dahil nga first time niyang magiging third wheel sa isang loveteam which is ang LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) loveteam.
As we all know, galing din sa isang napakasikat na loveteam si Gerald, ang Kimerald nila ni Kim Chiu at for the longest time ay lagi siyang main leading man.
Kaya naman, sa pagtanggap sa Everyday I Love You, ang naging unang concern daw niya ay ang materyal at ang karakter na kanyang gagampanan regardless kung sino pang loveteam ang kasama niya.
“Of course, kasi siyempre, hindi pa ganu’n kabuo ang istorya, tapos kumbaga, first time akong gaganap ng ganitong klaseng role but kung paano po in-explain nila and how direk did the movie, you know, pagsisisihan ko ‘to kung hindi ko ginawa.
“And every project, gusto ko po, iba-iba ang ipinapakita ko, hindi naman po puro romantically or action star or drama sa soap or may ka-loveteam. So, kailangan po iba-iba,” say ni Gerald.
First time nakasama ng aktor si Liza pero si Quen ay nakasama na niya sa Budoy teleserye noon kaya alam niyang noon pa ay mahusay ang young actor.
Pero si Liza, talagang nagulat daw siya sa lalim nitong umarte considering na 17 years old pa lang ito. Ilang beses nga raw niya tinanong ang young actress kung talagang 17 years old lang ito.
“Si Liza, tatlong beses ko siya tinanong kung ilang taon ba siya talaga. “Kasi after every scene namin, medyo ma-drama ‘yung mga eksena namin, nagtatanong ako, ‘17 lang ba ito? Napagdaanan ba niya ang sitwasyon na ito?’” kwento ni Gerald.
Sa Everyday I Love You na showing na sa Oct. 28, ginagampanan ni Liza ang role na Audrey na gilrfriend ng karakter ni Gerald pero biglang dadating sa buhay niya si Ethan (Quen) at mai-in-love sa kanya.
Samantala, ten years na pala sa showbiz ang aktor and when asked kung ano ba ang natutunan niya sa sampung taon niya sa industriya, aniya ay marami.
“I learned how to be more responsible. Ang hirap kasi, nag-start ako nung 17 years old ako. So, siguro po, nakita ninyo na mula noong teenager, now I’m a young adult, ang dami pong nagbago, eh, siyempre kung ano ‘yung mga natutunan ko rito sa showbiz, dala ko rin sa personal life ko. You know, on how to protect my family, nagtatarabaho ako kasi they will never be a day na magugutom sila.
“Nung nag-showbiz po ako, talagang nagbago po ang buhay ko, ang dami pong opportunities at mga pangarap na dumating at sa mga natutunan ko, never take anything for granted. Na never ever be comfortable kasi marami pong mas gwapo, mas may hitsura, mas magaling, mas bata, darating ‘yun.
“So, you have to love your work. Mahalin mo ang trabaho mo and then mamahalin ka rin ng trabaho mo,” seryosong pahayag ni Gerald.
Kulang pa raw ang salitang grateful sa kanyang nararamdaman dahil because of showbiz, nabigyan niya ng bahay ang nanay at mga kapatid niya at lahat ng mga ito’y settled na ngayon.
Natanong din sa kanya kung ano ang natutunan niya sa mga past relationships niya.
“Well, ako kasi, when a relationship is over, always gusto mo maalala ‘yung mga good moments, ‘yung mga masayang moments, kasi siyempre, that’s why you’re in a relationship, ‘di ba?
“Tulad ng lahat ng relationship, maraming ups and downs. Ako naman, kung ano po ‘yung mga nagawa kong mali, kung ano ‘yung mga nagawa niyang mali, you just learned from that and sana, sa susunod, you’re not only a better person but a better partner.
“Kasi, minsan you can be the best person in the world but you’re not that good of a partner. Aminado ako, I was like that, and sana, sa susunod, I’d be a better person and a better partner,” say ni Gerald.
‘Marami nang tumutulong sa kanila’ Liza ayaw tumulong sa mga sikat na charitable institutions
Sa January 2016 pa ang debut ni Liza pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang charity event na kanyang gagawin.
Kung ang ibang debutante ay naghahanda at gumagatos ng malaki sa engrandeng party, si Liza ay pinag-iisipan kung anu-anon’g charitable institutions ba ang kanyang pupuntahan at tutulungan.
This early ay nakapili na si Liza ng foundations na gusto niyang pagdausan ng 18th birthday. Ang mga ito ay ang I Can Serve Foundation, Anawimlay Mission, Nazareth Home For Street Children, and Chosen Children Village Foundation.
Sa Chosen Children Village ay 80 abandoned babies ang kanyang bibigyan ng tulong at sa Annawimlay naman ay 60 elderlies ang kanyang pasasayahin.
Birthday niya pero siya ang mamimigay ng regalo sa mga nabanggit na foundations. Ito raw ang way ng young actress para magpasalamat sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.
Si Liza mismo ang may gusto na hindi masyadong sikat ang mga foundation na tutulungan niya. May mga nag-suggest nga sa kanya ng mga sikat na charitable institutions, pero say ng young actress, “masyado nang maraming tumutulong sa kanila. Gusto ko ‘yung mga never heard na institutions.”