Pastillas Girl, mamimili na sa tatlong admirers!

MANILA, Philippines –  Magdadala muli ang It’s Showtime ng isang malaking selebrasyon ng saya at pasasalamat sa Kapamilya Thank You! Biyaheng Cebu ngayong Sabado (Oct 17) sa Hoops Dome, Lapu-Lapu City.

Matapos ang matagumpay nilang pamamahagi ng good vibes sa madlang people ng Biñan, abangan naman ang kulitan ng nakaka-aliw na barkadahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Jhong Hilario, Ryan Bang, at Eruption na dadalhin ang month-long ANIMversary ng It’s Showtime sa madlang Cebuano.

Bukod sa saya, magdadala din ng kilig ang mainit na tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano, ang lead stars ng pinakabagong movie offering ng Star Cinema na Everyday I Love You.

Madadagdagan pa ang kilig sa Hoops Dome sa pagpili ni Pastillas Girl sa lalaking tingin niyang karapat-dapat para maging kanyang Mr. Pastillas sa Nasaan Ka Mr. Pastillas?

Susubukan din ang galing sa pagkanta ng mga madlang Cebuano sa isang grand karaoke session sa Singing Mo ‘To.

Hindi naman magpapahuli ang matinding tunggalian ng Team Suave, Team Dyosa, at Team Ganda sa grand finals ng pinakamainit na lip sync showdown ng It’s Showtime na Lip Swak Olympics.

Abangan ang dalang saya at pasasalamat ng It’s Showtime sa  Kapamilya Thank You! Biyaheng Cebu ngayong Sabado (Oct 17) sa ABS-CBN.

Nora Aunor bida sa Magpakailanman

Ngayon Sabado (Oktubre 17), tunghayan ang isang espesyal at natatanging kuwento sa Magpakailanman. Itinatampok ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor, sa kanyang natatangi at mahusay na pagganap bilang Nancy Cañares, isang caregiver, asawa at ina na sinakripisyo ang lahat upang maalagaan lamang ang pinakamamahal niyang asawa at mailigtas sa masamang bisyo ang kanyang anak.

Kasama rin sina Ricky Davao, Diva Montelaba, Angeli Bayani, Rexcy Evert, Mannix Mannix, Roy Sotero, Cathy Remperas, Enrico Reyes at Chlaui Malayao.

Simple at masaya ang buhay-pamilya ng mag-asawang Nancy at Tony. Subalit, isang matinding pagsubok ang dumating sa kanilang buhay. Inatake sa puso si Tony at naospital.

Naibenta nila ang kanilang mga jeepney at pwesto sa negosyo para lamang matugunan ang gastusin ni Tony sa pagpapagamot. Nahinto rin sa pag-aaral ang kanilang mga anak.  Dahil dito, nagrebelde ang kanilang anak na si Jona. Nalulong ito sa droga, alak at nabuntis pa ng isang adik.

Nagpakatatag si Nancy para sa kanyang pamilya. Nag-aral siya bilang caregiver at naghanap ng trabaho. Nagkaroon siya ng maraming pasyente. Nakakabili na rin siya ng gamot para kay Tony at naipasok pa niya sa rehab si Jona.

Dahil sa husay ni Nancy bilang caregiver, inalok siya ng kanyang mayamang amo at pasyente na sumama sa ibang bansa. Handa raw sila na taasan ang kanyang sweldo, sumama lang siya. 

Iwanan kaya ni Nancy ang kanyang asawa, anak at apo kapalit ng mas malaking pera sa ibang bansa? O palalampasin na lamang ni Nancy ang magandang oportunidad na ibinibigay sa kanya? Ano pa kaya ang sakripisyo na kayang ibigay ni Nancy para maiahon sa hirap at sakit ang mga mahal niya sa buhay?

Mula sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes, huwag palampasin ngayong Sabado (October 17) ang Magpakailanman – Ang Sakripisyo ng Isang Ina: The Nancy Cañares Story, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

 

 

Show comments