Umamin si Paolo Contis na nagde-date sila ngayon ng aktres na si LJ Reyes.
Maganda raw ang nangyayari sa kanila ngayon dahil hindi niya akalain na magkakasundo silang dalawa.
Hinahangaan ni Paolo kay LJ ang kanyang pagiging positive na tao nito at sa pagiging malapit nito sa Panginoon.
Pareho raw kasi sila ng church ni LJ, kaya hindi sila nagka-clash pagdating sa usapang relihiyon.
Naging close sina LJ at Paolo nang magsama sila sa teleserye na Yagit. Doon na nag-start ang kanilang pagde-date.
“Nagsisimula pa lang naman kami kaya wala muna akong masyadong masasabi.
“Ayoko naman na may ma-preempt ako.
“Baste we’re happy with each other’s company,” diin ni Paolo.
Inamin din ni Paolo na si LJ ang nagpapasaya sa kanya ngayon.
Matagal na raw kasing hindi nakakaramdam ang aktor ng kakaibang ligaya at kay LJ lang daw niya iyon natagpuan.
Fresh na uli Male celebrity na laos at masyoba na, sandamakmak na turok ang ginawa sa mukha para bumata
Dahil sa kagustuhan na magmukhang bata ulit at makasabay sa mga bagong artista, nagpa-appointment ang male celebrity na ito sa kilalang cosmetic doctor para magawan siya ng milagro.
Malaki na ang pinagbago ng hitsura ng male celebrity simula nang dumaan sa maraming problema ang buhay nito.
Matagal na siyang nanirahan sa ibang bansa at wala nga raw siyang ginawa roon kundi ang kumain at makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.
Kapag wala siyang ginagawang mga personal appearances or shows, panay ang lamon niya dahil maraming mga kababayan natin doon ang nagbibigay ng mga groceries sa kanya. Kaya wala siyang problema sa pagkain.
Pero nang ma-realize niya na tumatanda siya at baka malapit na siyang makalimutan ng marami, nag-decide itong umuwi ng Pilipinas at baka mabigyan pa siya ng isa pang pagkakataon.
Ang kasabayan kasi niya noon pa ay very active pa rin at marami pa ring fans.
Nang makauwi ito, una niyang tinawagan ay ang dating manager niya at humingi ito ng tulong makabalik.
Nag-suggest ang dating manager na ayusin muna nito ang kanyang sarili bago ito lumabas ulit. Magpapayat ito at magpa-makeover.
After a month and a half na pagtatago ni male celebrity, nabawasan na ang timbang nito. ‘Yun nga lang, noong pumayat ito, bumagsak ang mukha nito at lalo siyang nagmukhang matanda.
Doon na siya nagpa-appointment sa kilalang cosmetic doctor at nagpa-makeover ng hitsura niya.
May nagawa namang milagro ang cosmetic doctor at kung anu-ano ang sinaksak sa mukha ni male celebrity para bumata ito.
Pagkatapos magtago ng ilang linggo, mukhang bago na ulit ang male celebrity dahil sa milagro ni dok!
Na-OD Asawa ni Khloe Kardashian na si Lamar Odom, coma pa rin
Nanatiling nasa critical condition ang former NBA player at estranged husband ni Khloe Kardashian na si Lamar Odom.
Natagpuan na unconscious sa isang Las Vegas brothel si Odom noong nakaraang Tuesday.
Tinakbo siya agad sa Sunrise Hospital at sa ginawang diagnosis, drug overdose ang dahilan.
Naka-ventilator ngayon si Odom dahil hindi ito humihinga on his own dahil comatose ito.
“The situation is no better, no worse. Nothing’s changed. Everyone is praying for a miracle,” ayon pa sa source ng E! News.
Ayon pa sa mga doctor na kung functioning ang brain ni Odom, long term process daw bago ito magising mula sa coma.
Dumating sa ospital ang kanyang pamilya at mga kaibigan, kabilang na ang Kardashian Family na sina Kris Jenner, Kim Kardashian, Kylie Jenner, Kourtney Kardashian at ang estranged wife nitong si Khloe.
Si Khloe na ang gumastos para makarating ng Las Vegas ang ama ni Lamar na si Joe Odom at ang mga anak nitong sina Destiny at Lamar Jr.
Kinansela ni Kim ang kanyang baby shower para lumipad pa Las Vegas para samahan ang kanyang kapatid na si Khloe na shocked sa nangyari sa kanyang estranged husband.
Nag-divorce sina Khloe and Lamar noong 2013 pagkatapos ng apat na taong pagsamama.
Parehong nakapirma na ang dalawa sa kanilang divorce papers, pero dahil sa backlog sa L.A. court system, may isang judge na hindi pa nakakapirma sa mga dokumento. Kaya legally married pa rin ang dalawa.