MANILA, Philippines – Hindi lang ang dalawang networks ang naglalaban sa mga pagkuha ng loveteams kundi maging ang dalawang sikat na food chains!
Sina Alden Richards at Maine Mendoza ‘yung sa isa habang ang JaDine naman ang isang food chain. Kung may bagong version ang TVC ng AlDub, aba, meron din ang JaDine, huh!
Eh sa Kapamilya Network, ang teleserye ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre ang talagang pinu-promote sa social media, huh! To think na hindi ito homegrown talents ang dalawa, huh! Nagmumukhang kawawa tuloy ang binild-ap nilang Daniel Padilla at Kathryn Bernado loveteam! Kaya halatang napag-iiwanan na ang KathNiel ngayon.
Sa December, magkakaalaman na ang lakas ng dalawang loveteams sa magkalaban nilang entries. Nasa Vic Sotto-AiAi delas Alas movie ang AlDub habang nasa Vice Ganda-Coco Martin entry ang JaDine.
Pahulaan pa kung sinong loveteam ang isasama sa Kris Aquino-Herbert Bautista movie dahil balitang sinibak na ang Enrique Gil-Liza Soberano tandem na unang nabalitang join din sa movie.
Pagpapagawa ng bahay ni Heart para kay Sen. Chiz inurot ni Manay Lolit
May himig ng pangangantiyaw si Manay Lolit Solis kay Senator Chiz Escudero sa chika niya kahapon sa DZBB program kahapon nina Arnold Clavio at Ali Sotto. Natanong kasi kay Manay ng dalawa ang tungkol sa kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna.
Chika ni Manay, pinapagawa na raw ni Vic ang bahay na para sa titirhan nila ni Poleng after ng wedding. Eh samantalang sa panig nina Sen. Chiz at asawang si Heart Evangelista, huling plano raw ang personal na napagagawa ng bahay. Sa ngayon kasi, sa isang townhouse sila nakatira.
Si Heart daw ang magpapatira kay Sen. Chiz sa bahay na pinagagawa niya, huh! It’s the other way around. Eh, binigay pang halimbawa ni Manay si Dingdong Dantes na nagpagawa ng bahay na titirhan nila ni Marian Rivera.
Naku, Manay Lolit, ganyan talaga ang mga taong nagmamahalan, huh!
Felix Manalo mas may laban sana sa Oscars
Naku, kung mas maagang ipinalabas ang Felix Manalo, puwede sanang ito ang maging entry ng bansa sa best foreign film category sa Oscar Awards, huh!
Sa scope ng Dennis Trillo movie, pasado rin ito sa mga hurado ng foreign award giving body dahil marami na ring bio flicks na pumasa sa panlasa ng judges.
Saka in fairness, kailangan ng pera ng isang foreign entry para panggastos sa promotions ng movie. Hindi biro kumbaga ang perang kailangan para mapansin ang isang foreign movie. Alam ‘yan ng producers na napili ang movie na maging entry natin, huh!
Puwedeng tustusan ng INC ang pangangailangan sa promotions ng FM sa tulong kanilang kapatiran. Kahit maganda ang isang entry, kung hindi naman ito umaabot sa judges na manonood, eh nababalewala rin!
Anyway, showing na sa more than 300 theaters ang Felix Manalo na palung-palo sa takilya as of press time!