Excited na si Daniel Padilla sa 2016 elections dahil first time niyang boboto at first time rin niyang magpaparehistro since he has turned 20 this year.
“Ako siyempre, very excited. Unang-una, karapatan nating bumoto. Ang bawat tao may karapatang bumoto at siyempre, sino bang mamimili sa mga dapat mamahala kungdi tayo rin naman. So very excited ako, isa siyang privilege na gawin,” sabi ni DJ (nickname ni Daniel) nang makapanayam namin siya last Saturday sa photo shoot for National Movement of Young Legislators Alumni (NMLYI).
Dahil nga first time voter ang Teen King, siya ang napili ng NMLYI na pinakaperpektong kunin para sa ad campaign kung saan ay ine-encourage ang lahat na magparehistro.
Excited na nga rin si Daniel na magparehistro na gagawin niya anytime this month dahil nga sa Oct. 31 na ang last day para magparehistro.
“’Yun naman talaga dapat, i-exercise natin ang right natin na bumoto, kaya nga isasama ko lahat ang kaibigan ko, eh sandamakmak ‘yung kaibigan ko kaya kung sinuman amg iboboto (namin) sigurado panalo na ‘yun,” natatawang sabi ng young actor.
At dahil nga boboto na siya sa Mayo, 2016, as early as now ay pinag-iisipan na ni DJ kung sino ang karapat-dapat sa kanyang kauna-unahang boto. “Yeah, ako, may mga sarili rin akong choices pero nagtatanong din ako kay tito Mike (Planas, his ex-stepfather) ng lahat, like kung ano ang ginawa ng mga politikong ito. May mga pinag-uusapan kaming ganyan ni tito Mike parati. Para alam mo ‘yun, alam din natin, hindi tayo basta boto lang ng boto,” sabi ni DJ.
Ayon pa kay Daniel, we should exercise our right to vote bilang mamamayan. “Kasi para sa akin, kung nagrereklamo ka sa bansa, huwag kang magreklamo kung di ka naman bumoto. Wala ka namang binoto, eh,” he said.
Pero bago bumoto, hinihikayat muna ni Daniel na magparehistro ang lahat ng hindi pa nakakatehistro especially ang first time voters. Hindi nga lang daw siya ang first time voter kungdi maging ang ka-loveteam at rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo.
“Excited na nga rin siya (Kathryn),” he said. Pero syempre, magpaparehistro rin daw muna si Kat at hindi nga lang siya sure kung magsasabay sila.
Samantala, ayon naman sa Sectetary General ng NMLYI na si Mike Planas, since naging stepson nga niya si Daniel, iminungkahi niya sa organisasyon na gumawa ng information campaign kung saan ay ine-encourage nga ng Teen King ang mga tao na magparehistro at ang mga steps na gagawin.
For this election, ayon kay Mike ay may 4 to 5 million daw ang new voters na kailangang magparehistro at nasa 25 miilion naman lahat ang bilang ng mga hindi pa rehistrado kabilang na nga ang mga kabataang bagong botante.
Takot makapuntos papuntang impyerno Daniel ayaw awayin ang LizQuen at JaDine
Still on Daniel, hiningan namin ng reaksyon ang Teen King tungkol sa mga kumpetisyong nangyayari sa mga loveteams ngayon sa ABS-CBN. Sa ngayon kasi ay tatlo silang tambalan na naglalaban laban, KathNiel, LizQuen & JaDine. “Eversince naman na nagsisimula ako, ayoko ng. . .hindi ako sa nag-aano sa kumpetensiya, kasi nga, tagal ko na ‘tong sinasabi sa mga fans ko, lalo na sa fans namin ni Kathryn, huwag nating inaaway ang sariling atin.