Markado na ang pagiging future matinee idol ng current boarder ni Kuya sa ongoing Pinoy Big Brother (PBB) 737 na si Tommy Esguerra.
Bukod sa tall, lanky, fair-skinned and guwapo, maganda ang credentials ni Tommy. Both a commercial and ramp model siya. At laking Tate.
Setback ni Tommy, tulad ni Sam Milby na graduate rin ng PBB, ang hindi pagiging matatas sa Tagalog. Kaya, dapat gayahin ni Tommy si Sam, who really learned Tagalog. Although, not yet so well pa rin.
Just the same, it brought Sam to where he is now.
Tulad ni Sam, sobra rin ang appeal ni Tommy, who, inside ng Bahay ni Kuya, ay tinitilian na ng mga babaeng sumusubaybay sa PBB 737 dahil sa kakaiba niyang panliligaw sa ‘di man gaanong plain-looking but ‘di rin kagandahang pang-beauty queen, ang dalagang ina na si Miho Nishida.
By the time this issue comes out, we would know kung patuloy pa rin siyang maninirahan sa Bahay Ni Kuya, since kabilang si Tommy sa mga nominees for eviction, na ang results ay nalaman last night.
Kung sabagay, ‘di rin nagkaroon ng puwesto si Sam, nang ‘‘lumabas’’ siya sa Bahay Ni Kuya.
Miles first time maipit sa love triangle
Another young talent, who is finally given the chance na maging ‘‘bida’’, kumbaga, sa isang series ay si Miles Ocampo, now 18.
Yes, kasama na si Miles nina Julia Barretto at Iñigo Pascual sa upcoming series na And I Love You So. Daily ang teleserye, unlike Home Sweetie Home, were she is also a mainstay, na Saturdays lang ini-air.
Home Sweetie Home, which is a sitcom, is topbilled by John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Kasama rin sina Sandy Andolong, Rico Puno, Karla Estrada, Ogie Diaz and child actor, Clarence Delgado.
At home both in comedy and drama, Miles said she owes it to her stint as a mainstay ng Goin’ Bulilit, where she was a part of the show, hanggang nag-turn 13 siya.
Ganunpaman, after Goin’ Bulilit, naging part naman siya ng comedy teen series, Luv U, na tinututukan tuwing Linggo ng mga manonood.
And I Love You So will be her first na maging part of a love triangle.
In real life, Miles said, ‘di pa niya naranasan ang ma-in love. Bagama’t may mga crushes daw siya.
Second movie nina Liza at Enrique ipalalabas na
It’s a done ideal na ang pagiging part of the cast ng magka-loveteam na sina Liza Saberano at Enrique Gil sa pelikulang Pamilya Love Love Love (All You Need is Pag-ibig na raw po - Ed), co-starring for the first time sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista. (Sabi po wala na LizQuen pati Mayor Bistek - Ed)
Ito ay entry in the Metro Manila Film Festival (MMFF) this year. Featured din sa cast si Bimby Aquino Yap.
Right now, however, what keeps them busy is their soon-to-be released movie together for Star Cinema, Everyday I Love You, directed by Mae Cruz-Alviar.
Everyday I Love You, earmarked for release October 28, is their second starrer together after Just Stay The Way You Are, na isang box-office hit.
Jolo waging outstanding local legislator
Senator Bong Revilla, who is still detained, together with fellow Senator and good friend, Jinggoy Estrada, at the PNP Custodial Center, is happy for son, Cavite Vice Governor Jolo Revilla, for having been named Outstanding Local Legislator of 2015 ng Superbrand Marketing International, Inc.
On hand to congratulate Vice Governor Jolo ay ang kanyang Mom na si Lani Mercado, currently Bacoor City’s first district Congresswoman.
Tatakbo sa darating na eleksyon si Cong. Lani Mercado for Bacoor City Mayor, while the city’s current Mayor, Strike Revilla, Senator Bong’s brother at uncle ni Vice Governor Jolo, will run naman for Congressman.
Well, congratulations, Vice Gov. Jolo.