Jessica expert sa kabaklaan

Na-insecure ako kay Jessica Soho sa guesting niya sa CelebriTV noong Sabado. Hindi taga-showbiz si Mama Jessica pero ang husay-husay niya sa beki language ha?

One hundred percent agree ako sa sinabi ni AiAi delas Alas na respetado pa rin si Mama Jess habang binabasa nito ang isang news report sa linggo ng mga baklush. Na-insecure rin ako dahil memor­yado ni Mama Jess ang mga sign language para sa sayaw na Dancing Queen.

Iniisip ko na talaga na mag-join sa Zumba class nina Mama Jess para magaya ko siya.

Alden at Yaya Dub totohanan na ang tawagan!

Richard Faulkerson, Jr. ang real name ni Alden at screen name lamang niya ang Alden Richards. Pero sa sulat ni Maine Mendoza para sa kanya, Richard ang ginamit ni Yaya Dub. Kilig na kilig ang fans dahil first and real name ang tawagan nina Alden at Yaya Dub sa isa’t isa. Nang mag-cry me a river si Alden sa Eat Bulaga noong Sabado habang kumakanta ng God Gave Me You, matunog na Meng ang tawag niya kay Maine na lalong ikinatuwa ng fans nila. Napansin din ng mga tagahanga na parehong mga kaliwete sina Alden at Yaya Dub kaya convinced na convinced sila na hahantong sa totohanan ang on screen loveteam ng AlDub. Why not? Bagay naman sila sa isa’t isa at na-realize ko ito nang makilala ko si Maine nang personal sa mansion ni Lola Nidora sa 9th Street, New Manila noong Sabado.

Susan hindi nagmamaasim kay Sheryl, prim and proper pa rin pag pinag-uusapan

 Wala akong napansin na pagbabago o reaksyon sa mukha ni Susan Roces nang mapag-usapan namin ang kanyang pamangkin na si Sheryl Cruz sa birthday lunch para kay Danny Dolor sa bahay ng mga Vera-Perez sa Sampaguita Gardens noong Sabado. Bumilib ako kay Manang Inday dahil kung ibang tao ang nasa posisyon niya, siguradong super-react o umasim ang mukha nang mapagkuwentuhan ang mga nagmintis na pasabog ni Sheryl.

Wish ko lang, naambunan ako ng kahit katiting na pagiging prim and proper ni Manang Inday. Hindi nakapagtataka na movie queen si Manang Inday dahil dignified na dignified siya at hindi basta nagpapaapekto sa mga kagagahan na ginagawa ng mga tao sa kanyang paligid. Mapalad si Sheryl sa pagkakaroon ng kamag-anak na kagaya ni Manang Inday na hindi pinatulan ang kanyang mga drama.

Nagsalita lang si Manang Inday na wala itong masasabi nang tanungin siya tungkol sa publicity stunt ng kanyang pamangkin. Publicity stunt daw o!

Gabay guro tagumpay

 Congrats sa PLDT Gabay Guro dahil super successful ang grand teacherfest nila na ginanap kahapon sa Mall of Asia Arena. Tulad ng mga nakaraang taon, walang umuwing luhaan sa mahigit 20,000 teachers na dumalo sa PLDT Gabay Guro event. Lahat sila eh may bitbit na lootbags at marami ang nag-win ng bonggang raffle prizes.

Nag-enjoy din ang mga teacher sa mga production number na inihanda ng mga sikat na artista na inimbitahan ng PLDT Gabay Guro para mag-entertain sa kanila. Umalingangaw sa MOA Arena ang malakas na palakpakan at tilian ng mga guro nang ma-sight nila nang personal ang mga hinahangaan na artista. Taos-puso ang pasasalamat ng teachers mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas dahil sa importansya na ipinagkaloob sa kanila ng PLDT Gabay Guro. 

 

 

Show comments