Bryan White sigurado na ang pagbisita sa ‘Pinas dahil sa AlDub

Bryan, Alden, Yaya Dub

Hindi magkamayaw ang AlDub Nation sa ginawang announcement ng American country singer na si Bryan White na bibista siya sa ating bansa dahil pati siya ay nahawa na sa kumakalat na AlDub Fever.

Through social media ay pinaabot sa kanya ng maraming AlDub fan nila Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub na super hit ang single niyang God Gave Me You na parating ginagamit sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Hindi nga raw maintindihan ng 41-year old singer kung ano ang AlDub. Akala niya na isang wedding ang AlDub at ang song niya ang ginagamit doon.

Hanggang sa na-curious na rin siya at pinanood niya ang ilang episodes ng kalyeserye sa YouTube.

Bagama’t hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari sa kalyeserye, natuwa siya sa napanood niya dahil mukhang masaya raw at in-love na in-love sina Alden at Yaya Dub sa isa’t isa lalo na kapag pinapatugtog ang kanyang song.

Kaya sa pamamagitan ng Twitter at Facebook, nagpadala ng kanyang video at mensahe ang country singer:

“To all my Filipino fans. Thank you for so much support. It means so much to me. We are coming to see you very soon!!!! Can’t wait to see you! #GGMY #AlDubNextChapter”

Ikinatuwa ito ng buong AlDub Nation na walang sawang sinuportahan ang AlDub loveteam simula noong sumikat sila two months ago.

May ilang AlDub fans ang nagsasabing “destiny” na maging theme song nila Alden at Yaya Dub ang God Gave Me You.

May kinalaman daw ang number 16 sa kanila.

Sumikat ang naturang song 16 years ago at nagsimula ang AlDub loveteam noong July 16, 2015.

Ang huling tweet ni Bryan White last September 22 ay: “Coming very soon! Get ready!” #GGMY #ALDUBNextChapter

Inaayos na raw ng kanyang team ang isang tour at kasama na ang Pilipinas na bibistahin niya dahil sa maraming requests ng AlDub fans.

To date, ang ginawang viral video ni Bryan last September 19 ay umabot na sa 222,000 views with 11,000 likes at 4,000 shares sa Facebook.

Ang latest post niya sa mensahe na may hashtag na #AlDubYouAll at #GGMY ay nakakuha na ng 14,000 likes.

Nagsimula noong 1994 ang country singer na si Bryan White na taga-Lawton-Ft. Still, Oklahoma. Nagkaroon siya ng 17 hit singles sa Billboard country chart between 1995 and 1997.

Ni-release niya ang single na God Gave Me You noong 1999 mula sa kanyang third album na How Lucky I Am.

Ang kalyeserye nga ang nag-revive ng naturang awitin at ginamit pa ito sa TV commercial nila Alden at Yaya Dub for Talk ‘N Text.

Dahil naging curious ang AlDub Nation sa song na ito, lalo na sa mga hindi naabutan ito noong 1999.

Isa ito sa most searched music video ngayon sa YouTube ay umabot na sa 12 million views ang naturang music video.

Direk Elwood gustong gawing bida si Hayden

Nagbabalik ang award-winning film director na si Elwood Perez pagkatapos ng ilang taong hindi gumawa ng pelikula.

Sa kanyang pagbabalik ay natapos niya ang isang controversial art film titled Esoterika: Maynila.

Una itong pinalabas last year sa Cinemalaya bilang opening film. Nakalibot na ito sa iba’t ibang film festivals abroad at nakakuha na ito ng glowing reviews mula sa maraming film critics here and abroad.

Ngayon lang ito magkakaroon ng public screening sa Pilipinas.

Ang bida rito ay ang singer-turned-actor na si Ronnie Liang.

Very pleased si Direk Elwood sa pagkakapili niya kay Ronnie para sa lead role. Hanap kasi niya ay ang mukhang inosenteng lalake na taga-probinsya na mamumulat sa kanyang mga mae-experience sa Maynila.

Inamin ni Direk Elwood na ang unang choice niya para sa pelikula ay si Hayden Kho, Jr.

Nakita raw niya ito sa isang bookstore sa Bonifacio High Street at inalok niya kung gusto nitong maging bida sa kanyang pelikula.

“I guess hindi niya ako kilala,” sabay tawa ni Direk Elwood.

“Kasi nakita ko siya, he was the perfect actor for my movie.

“Matangkad siya, guwapo at hanap ko ay may pagka-chinito.

“Hindi ko naman alam na kontrobersyal pala siya.

“I was out of touch for so long kaya wala akong alam na may mga controversies siya. I guess umiiwas na siya sa showbiz noong i-offer ko ‘yung role last year.”

Si Ronnie naman ay nakita niya ang billboard nito sa EDSA at hindi na raw nabura sa isipan niya ang mukha nito.

“He has that raw innocence na hanap ko for my actor. Noong mag-meet na kami, I told him na very bold ang gagawin niya and he did not have second thoughts about doing all the nude scenes.

“Magaling ang bata kasi sagana sa acting workshop na ginawa niya when he was with ABS-CBN 2.

“Tsaka ayoko rin naman ng masyadong magaling umarte. Tama na ‘yung pinakita niyang performance. The Asian audience in Hong Kong loved him noong um-attend kami ng film festival doon.”

Signature bag ng isang fan pinapirmahan lang kay Pacman

Iba pa rin kung humanga ang mga fans ni Manny Pacquiao.

Sa isang trip ni Pambansang Kamao sa Tokyo, Japan ay may isang fan doon na nakita si Pacman sa isang Louis Vuitton store.

Dahil sa sobrang tagahanga siya ni Pacman, binili nito ang isang LV bag na nagkakahalaga ng $2,500 at pinapirmahan niya kay Pacman.

In fairness to Manny, hindi siya tumanggi na bigyan ng autograph ang kanyang fan at pumirma siya sa kulay yellow na LV Porte-Documents Jour agad-agad para sa kasiyahan ng tagahanga niya.

Kahit na sinabihan ng mga taga-LV ang fan na bababa ang value ng kanyang bag dahil sa may pirma ito, naniniwala ang fan na magiging collector’s item ito twenty years from now at maibebenta niya ang LV bag sa mas mataas na presyo, lalo na sa mga die-hard fans ni Manny Pacquiao.

Show comments