MANILA, Philippines - Pasabog ang presscon nu’ng Miyerkules ng Bituing Walang Ningning The Musical. Eh, pa’no ba naman, hindi lang kasi pasampol ang ginawa ng cast kundi nag-show talaga sila!
Ang bongga ng special effects nang kumanta si Monica Cuenco bilang Dorina. Super long gown ang ganap niya na halos sakupin ang buong stage!
Walang palya si Monica sa pagkanta niya ng Bituing Walang Ningning kaya kumbinsido kami na deserve na deserve niya ang title role.
Ibang-iba ito sa first run ng Bituing…dahil mas high-tech na sila ngayon, feeling mo talaga nasa outer space ka dahil sa magical background ng play.
Sana’y Maghintay ang Walang Hanggan ang kinanta ni Mark Bautista na gaganap pa rin bilang si Nico Escobar.
Restaging ng Bituing Walang Ningning mas high-tech na
Very fresh ang aura ni Mark habang mukhang k-pop naman si Ronnie Liang na gaganap na Gary.
Pero sa restaging ng Bituing… guess kung sino ang mga bagong makakasama sa cast?
Ang batang 90’s na si Antoinette Taus na gaganap na rin bilang si Lavinia na kahalili si Cris Villonco at si Epi Quizon naman ay gaganap na Auntie na kahalili si Jon Santos.
Pagkatapos ng show ay naikwento ni Mark na mas pinaganda at in-improve nga raw ang second run ng Bituing…dahil ‘di hamak na mas budgeted na ito kumpara sa naunang pagtatanghal kaya asahan nila ang magarbong anyo ng play!
Samantala, nang makausap ko ang bidang si Monica, sinabi niya na marami raw siyang natutunan sa pangalawang run ng Bituing Walang Ningning The Musical, hindi naman daw kasi biro ang pinasukan niya, kung dati ay lagi siyang kinakabahan, ngayon ay wala na siyang takot bumirit sa crowd at very comfortable na sa stage as Dorina.
Eh sa tanong kung may natatanggap na ba siyang mga offer?
“Hahaha! Ngayon po.. Nakakatanggap naman po. Mayro’n po akong TV series na sana po talaga matuloy.”
Sino naman ang makakatambal niya kung sakali?
“Matagal ko na pong crush si James Reid kasi po napakagwapo po niya, talented at macho pa hahaha! pero wala po akong balak agawin siya kay Nadine. Hahaha! Ite-test pa lang naman po,” katwiran ni Monica.
Antoinette ayaw magpaawat sa kasamaan, asido ang gustong isaboy kay Dorina
Sa presscon pa rin ng Bituing Walang Ningning, ikinuwento ni Antoinette Taus kung paano niya nakuha ang role ni Lavinia. Sinabi ng aktres na nakatanggap na lang daw siya ng tawag, meaning, handpicked siya. Aniya, “Theater is completely different. Ibang bonding, as in kakaiba talaga and I am so honored na makaka-share ko sa stage ang mga seasoned veteran.”
First time raw ni Antoinette ang gumanap bilang kontrabida na sobrang sama talaga at peg daw niya rito sina JLo at Tyra Banks. Kaya kumapit kayo dahil hindi raw siya paaawat sa paghahasik ng kamalditahan kay Monica.
Saan naman kaya siya humuhugot ng inspirasyon para gawin ang role ni Lavinia?
Siyempre raw ay inaral niya ang evil elements at background ni Lavinia at pati na rin sa mga dating nagmaldita at nanulot sa kanya.
May gano’n?! Hahaha! Eh sino ba ‘yung mga ‘yun?
“Hahaha! Eh ‘di ba ganu’n naman sa showbiz, uso ‘yun. Haha ‘wag na natin pangalanan,” say pa ng aktres.
Abangan kung asido o tubig ang isasaboy ni Antoinette kay Monica sa Resorts World Manila Newport Performing Arts Theater na magsisimula na sa October 8 hanggang October 25, 2015.