Dingdong, bumibigat ang timbang

Halatang tumaba si Dingdong Dantes. At kumbaga ang ebidensiya, ay kitang-kita sa ongoing episode ng Starstruck with Megan Young bilang kanyang co host.

Sobra naman ang ipinayat ni Kris Bernal, who is also in the program.

Karla botong-boto na kay Kathryn!

As far as Karla Estrada is concerned, ‘di problema kung halimbawang ang makakatuluyan na ng kanyang anak ay si Kathryn Bernardo.

Nababaitan daw siya kay Kathryn, bukod sa matalino at mabait daw ito. Bonus na raw ang pagiging maganda ni Kathryn.

As a Mom to Daniel, wala raw siyang puwedeng ireklamo sa anak. Napaka-generous daw nito, ‘di lang sa kanya, kung hindi sa mga kapatid nito.

Did we hear it right na may kanya-kanya nang kotse ang apat na kapatid ni Daniel, courtesy of the actor?

Ang pakiusap lang daw ni Daniel sa mga kapatid, tapusin ng mga ito ang kanilang pag-aaral. Na siya raw biggest frustration ni Daniel. He may be a high school graduate. Pero, type daw nitong makatapos ng college course.

Karla, on her own, ay may kanya na ring regular show. Mainstay siya ng comedy series na Home Sweetie Home, aired Saturdays on ABS CBN.

Sam at Myrtle nagka-debelopan agad

Nag-i-start na kagabi officially ang airing ng second season ng The Face Sounds Familiar, na si  Billy Crawford ang host. This time, with the first season’s The Face Sounds… champ, Melai Cantiveros, bilang kanyang co-host.

Hulaan n’yo kung sinu-sino sa mga celebrity participants ang close na agad?

Sagot: Sam Concepcion at Myrtle Sarossa.

So, why the flurry? Asked someone.

Ang sagot: Well, ‘di nga ba itong si Sam ay dating boyfriend ni Jasmine Curtis-Smith, na diumano’y ngayon ay nililigawan naman ng ex ni Myrtle na si Brian Llamanzares? Yes, the son of Senator Grace Poe?

In any case, while balitang mismong si Jasmine ang humiling sa ki­nauukulan na si Sam ang kuning ka­pareha niya sa isang stage play na inu-offer sa kanya, ayon kay Myrtle, any issue about her and Brian ay close topic na, as far as she is concerned.

Sa rami raw ng magagandang pangyayaring nagaganap sa kanyang showbiz career sa kasalukuyan, napakaliit ng dahilan daw ang supposed break-up niya kay Brian, para pagkaabalahan pa niya itong isipin.

Besides, The Face Sounds…, member na si Myrtle of the highly regarded Star Magic Angel.

Ang kanyang busy schedule sa kanyang career sa showbiz din ang binanggit ni Myrtle na dahilan kung bakit kusa siyang hindi nag-enrol sa UP this semester. Candidate daw kasi siya for cum laude dahil graduating na nga siya.

Pero, kailangan full load ang subjects na kunin niya, para makuha niya ang nabanggit na honor. Na ‘di nga niya maipangako, dahil sa mga natagpuan na niyang showbiz commitments.

Show comments