KC at Piolo nagkaayos na

MANILA, Philippines - Nagkabati na matapos ang apat na taon ang dating mag­dyowa na sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Nasa London ang dalawa kasama ang ilang performers para sa ASAP Live in London. Matatandaan na hindi maganda ang kanilang breakup noong taong 2011.

Sa larawan na in-upload ni KC sa kanyang Twitter account, kitang ayos na ayos na muli sila na ikinatuwa ng kanyang fans at ng showbiz people.

Show comments