MANILA, Philippines - Sa rami ng problema sa ating bayan, nagsilbing anistisya ang pagsikat ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ng Eat Bulaga. Pampaalis ng pagod at depresyon.
Hindi lang basta pagpapatawa ang pangunahing hangarin ng KalyeSerye dahil pagbibigay din nito ng moral lesson sa mga kabataang nag-iibigan. Ipinakita nila na ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibili.
Inosente pa kasi ang beauty at talent ni Yaya Dub. Hindi siya nagdaan sa karaniwang pag-eekstra ng mga gustong magbida. Isang katangian ni Yaya Dub ang pagda-dubsmash na mahirap tularan dahil sa iba’t iba nitong facial expressions.
Hindi man isang seksi star, karamihan ay mga barakong tsuper ng taksi at jeepney ang mga fans ni Yaya Dub.
John tuluy-tuloy ang pagganap bilang bayani
Sa September 11, nakatakdang mapanood sa Kawit Municipal Town Hall Island Cove Leisure Park sa Cavite, tampok si John Arcilla bilang si Kabesang Tales. Isang magaling na actor si John at mapapansing karamihan ng mga ginagawa niyang movie at dula ay tungkol sa mga bayani.
Mapapanood din si John sa Heneral Luna kasama sina Paulo Avelino, Tommy Abuel, Paolo Contis, Alex Medina at marami pang iba sa September 9, nationwide.