May movie entry pala si Vhong Navarro ngayong Metro Manila Film Festival (MMFF) kasama sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, John Lapus, Lotlot de Leon, at Rayver Cruz, na may title na Buy Now Die Later under Quantum Films.
Tinanggap ni Vhong ang pelikula dahil bago raw ito kumpara sa mga movie na ginawa na niya before.
First time rin makakasama ni Vhong sa movie sina Billy, Alex, at Lotlot na may pagka-dark comedy ang tema.
Kaya kahit daw babanggain ng grupo ni Vhong sa filmfest sina Vic Sotto, AiAi delas Alas, Vice Ganda, Kris Aquino at marami pang iba sa December, proud ang TV host/actor sa magandang kuwento ng kanilang movie na feeling niya ay bagay sa kanya.
Gaganap si Vhong na isang photographer na desperadong makakuha ng scoop, na nagkataon na napunta sa kanya ang kamera na may magic, at dito iikot ang kuwento ng kanyang role. Sa mismong office ng editorial section ng The Philippine STAR nag-shoot si Vhong last Sunday.
Samantala, sa totoong buhay ay mahilig mag-edit si Vhong ng mga picture sa iba’t ibang mobile applications habang siya ay naghihintay sa shooting.
Gusto ni Vhong na magtayo ng negosyo tulad daw ng ibang celebrities na kahit hindi na active sa showbiz ay nakikita pa rin ang other side ng pag-aartista.
Hindi natuloy ang balak niyang makipagsosyo sa isa niyang kaibigan para sana sa isang restaurant. Pero nag-iisip at naghahanap pa rin siya ng papasukin niyang negosyo.
Samantala, si Jhong Hilario na kaibigan niya nung Streetboys days pa nila at co-host niya sa Showtime ngayon ay nagtayo ng studio para sa mga aspiring dancers. ‘Yun daw kasi ang forte ni Jhong na choreographer/dancer. Hindi tulad niyang pure dancer lang pero suportado rin nito ang kaibigan kapag kailangan siya.
Samantala, pasado sa batikang manunulat na si Ricky Lee ang istorya ng Buy Now Die Later, na siyang creative producer at consultant din ng movie.
Ang Buy Now Die Later ay sinulat ni Allan Habon at sa ilalim naman ng direksyon ni Randolf Longjas. Isa sa mga producer ng nasabing pelikula si Alemberg Ang.