Maraming followers ni Rufa Mae Quinto sa kanyang social media ang naalarma dahil sa pinost nitong video na umiiyak siya at sa photo na may malaking pasa sa kanyang katawan.
Nilagyan ni Rufa Mae sa caption ang hashtag na #hematoma at #bloodclot.
Ang hematoma ay “localized collection of blood outside the blood vessels, usually in liquid form within the tissue.”
Walang binanggit ang komedyante kung saan at paano niya nakuha ang mga pasa niya sa katawan. Base sa mga comments, baka raw nakuha ito ni Rufa Mae mula sa pagpapa-liposuction nito.
Hindi itinago ni Rufa Mae ang pinagdaraanan niyang sakit ngayon.
Kahit na ramdam pa rin ang sakit, nagpasalamat si Rufa Mae sa mga sumuporta sa kanya at naligtas ang kanyang buhay.
Heto ang kanyang post: “This is what I’ve been though... Thru .. True and truth... So thank you lord for saving my life and yes... To my doctors.. May pag-asa pa... And I’m sharing this so I could be of help to people suffering and in pain. I will teach or at least inspire and give support, advice, strength to people healed sickness , get ready physiologically and physically and spiritually emotionally. I’m sharing this coz I’m done being scared. So if u need superrrr B! Call me baby! I’m here. Thanks to the people who really care. And loved me for being Booba! For 20 years. For Loving and Laughing WITH me NOT At me. For my nose bleed barok English. Guys! Ganon talaga. I love you all #hematoma #bloodclot”
Maraming followers ni Rufa Mae ang nagdasal para sa kanyang mabilis na paggaling.
Kung ano pa raw ang pinagdaraanan niya, sana’y malagpasan niya ito at maging maingat na siya.
Mga prof sa UP ginawang topic ang AlDub sa klase!
Iba na talaga ang epekto ng AlDub Phenomenon sa ating kultura dahil pati sa isang sikat na unibersidad ay tinaturo ang social relevance na makukuha ng mga manonood ng KalyeSerye ng Eat Bulaga.
Sa isang klase sa University of the Philippines in Diliman, Quezon City ay naging paksa ng Filipino professor na si Mykel Andrada ang mga characters ng KalyeSerye na sila Lola Nidora (Wally Bayola) at ang loveteam na AlDub na sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub at kung ano ang naibabahagi nila sa ating society ngayon.
Ayon kay Prof. Andrada, hindi lang kilig at saya ang hatid ng KalyeSerye kundi ang mga moral lessons na mapupulot lalo na tungkol sa pag-ibig at sakripisyo.
“Bukod sa maraming aral na napupulot natin makikita natin na beyond ng moral notion, beyond ng notion ng kilig ng AlDub, mayroon itong mas malalim na socio-political na komentaryo sa ating lipunan,” diin pa ni Prof. Andrada.
Ang character daw ni Lola Nidora ang siyang nagbabalanse sa characters nila Alden at Yaya Dub. Importante kasi ang mga pangaral na ibinabahagi niya sa mga manonood.
“Binabasag din niya ‘yung mga maling concepts ng pag-ibig. Sinasabi niya rin na huwag nating tularan ang mga maling praktis tulad ng panunuhol, pananakit at paggamit ng yaman para manaig,” dagdag pa ni Andrada.
Maging ang propesor at kolumnistang si Randy David ay tinalakay na rin ang AlDub.
Heto ang bahagi ng mahabang naisulat niya tungkol sa KalySerye ng Eat Bulaga:
“The long-running local TV noontime show, Eat Bulaga, recently registered a phenomenal spike in its viewership after showcasing in one of its regular segments the immense talent of Maine Mendoza, a young woman whose Dubsmash video clips have become a YouTube sensation. By casting Maine in the role of a maid, “Yaya Dub,” to a materialistic señora, and by weaving a poignant love story around her supposed real-life crush on Alden Richards, one of the regular actors in the show, the producers have hit upon the ultimate formula for reality TV—where viewers are left guessing which is fiction and which is reality.”
Justin Bieber look-a-like na si Toby Sheldon natagpuang patay sa motel
Natagpuang patay sa isang kilalang motel sa San Fernando Valley, California ang reality star at look-a-like ni Justin Bieber na si Toby Sheldon.
Sa Motel 6 natagpuang walang buhay ang 35-year-old na si Sheldon noong August 21.
Nawala siya noong August 18 at ipinahanap na siya sa LAPD noong hindi siya nagparamdam pagkatapos ng 48 hours.
Sa kuwarto nga kunsaan natagpuan si Sheldon, nakahanap ang mga police ng mga ipinagbabawal na droga. Pero hindi pa rin matukoy kung paano namatay si Sheldon.
Inakala ng mga kaibigan ni Sheldon na kaya ito hindi nagparamdam ay dahil nakipag-break ito sa kanyang boyfriend.
Nakilala nga si Toby Sheldon dahil sa paggastos niya ng $100,000 para lang magpaopera upang maging kamukha niya si Justin Bieber.
Lumabas sa mga reality shows na Botched at My Strange Addiction si Sheldon.
Nasabi pa noon ni Sheldon na “some people buy fancy cars or fancy mansions. What I do with my money is I get surgery to look more like Justin Bieber.”