May ayaw mabunyag?! Piolo laging ninenerbiyos sa interview ni Iñigo

Maaga pa lang ng Biyernes ay nasa Pampanga na ang mag-amang Piolo at Iñigo Pascual kahit 4 p.m. pa ang presscon at 7 p.m. pa ang kanilang Freedom Celebration concert as part of Sun Life Financial’s advocacy kung saan ay pareho silang endorsers.

Ayon kay Papa P. sa presscon held at Souq Restaurant sa Pampanga, nagsilbing bonding moment daw nila ang araw na iyon. Maaga silang pumunta sa naturang lalawigan at nag-bike na magkasama.

“We had so much fun. Habang nagba-bike kami, I tried to interview him, asked him, you know, kung ano ang nangyayari sa kanya, kung nasaan na ba siya sa buhay niya, and through that one hour that we had, ang dami kong nalaman about him.

“So, masarap ‘yung ganoong moment na hindi mo plinaplano, hindi mo siya ini-interrogate, I just wanna be a part of his life,” pahayag ni Papa P.

Aminado naman si Piolo na kahit nandito sa ‘Pinas ang anak, sobrang busy din daw nito kaya bihira rin silang magkasama. That’s why, kapag nagkakasama raw sila, sobrang precious nito para sa kanya.

Iñigo will turn 18 this September at bongga dahil European tour ang birthday gift ng ama sa kanya. Magkasama silang pupunta kaya ito talaga ang pambawi nila sa mga oras na hindi sila nagkasama.

“I asked him kung saan niya gustong pumunta, sabi niya, gusto niyang mag-Europe, so sabi ko, okay,” sabi ni Piolo.

Sa Spain daw sila pupunta dahil ‘yun daw ang gustong puntahan ng anak.

Ang nakakatuwa habang nagpe-presscon ay medyo nag-i-stammer si Iñigo kapag sumasagot dahil aniya, kasama raw niya ang kanyang ama. Lagi raw kasing ninenerbyos ang Daddy niya kapag sumasagot siya at mino-monitor kung ano ang isasagot niya.

Samantala, ang Pampanga ang first leg ng Freedom Celebration ng Sun Life na naglalayong bigyan ng awareness at inspirasyon ang mga Pinoy to believe that a brighter future is possible and provoke them to think about their own definition of financial freedom and encourage them to translate their optimism about their financial future to reality, with the help of financial advisor.

Nagkaroon ng concert ang mag-ama sa SM Pampanga at mag-iikot pa sila sa iba’t ibang parte ng Pilipinas nationwide.

After Pampanga, #LiveFreePH Freedom Celebration will also be staged in Iloilo and Davao later this year.

Sobra na rin ang kadaldalan at pagiging komedyante Ejay nahahawa na kay Alex

Ayon kay Ejay Falcon, swak na swak daw ang personalidad nila ng kapareha sa Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid dahil kung ano ‘yung pagka-tahimik niya, siya namang pagka-daldal ng aktres.

“Napakasarap niyang katrabaho kasi sobrang magkaiba kami ng genre na kinagagalawan. Comedy siya, ako, action-drama, ngayon sexy pa ‘yung Passion (de Amor), so nakakatuwa na may nakatrabaho akong ganito. At least, ang dami kong natututunan,” sabi ni Ejay.

At malaki raw ang naitutulong ng pagka-energetic ni Alex sa kanya dahil kahit pagod na siya ay nahahawa siya rito.

“Kasi nga segue-segue (sa dalawang tapings) ako, so, parang minsan, dumarating ako sa set na low batt na kasi nga laging puyat, so, sa sobrang taas (ng energy) niya, kailangan kong sabayan. Tapos, si Direk Andoy (Ranay) pa, so, hindi puwedeng low batt ako, kailangan ko silang saba­yan. So hinihila nila ako pataas. Kailangan kong magkape ng 10 tasang kape para gising na gising ako,” natatawang sabi ni Ejay.

Sobrang saya rin ni Ejay na hindi siya pinapabayaan ng ABS-CBN at la­ging binibigyan ng proyekto. Hindi pa tapos ang Pasion de Amor ay binigyan na siya ulit ng bago at pambata naman this time since may pagka-sexy nga ang panghapong serye niya.

“Napakasuwerte kong artista. Ngayon ko naramdaman na napakasuwerte kong artista. Kasi from Dugong Buhay na action-action, drama, ‘yung mga MMK (Maalaala Mo Kaya) kong ginagawa na sobrang heavy drama, tapos biglang Pasion de Amor na may pagka-sexy, tapos itong pambata na fantasy na may pagka-rom-com, so parang  lahat ng genre, naikot ko ngayon.

“So, kung isasabak ulit ako, kung may ipapaulit sa akin, kaya ko nang balikan nang madali kasi nagawa ko na lahat,” sabi ni Ejay.

Magsisimula na ngayong Sunday, August 30 ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid.

Show comments