Daniel paiinitin ang episode ng Sports U

MANILA, Philippines – Isa ang Kapamilya actor na si Daniel Matsunaga sa talaga namang tinitingala ng karamihan pagdating sa hubog at ganda ng katawan. Ngayong Huwebes (Aug 27), ibabahagi mismo ni Daniel ang kanyang workout routine sa isang mainit na episode ng Sports U.

Bukod diyan, kilalanin din ang UAAP rookie at 17-year old na Fighting Maroon na si Felixberto “Janjan” Jaboneta na magbabahagi ng kanyang kwento bilang isang Iskolar ng Bayan at atleta ng University of the Philippines. Nanalo si Janjan ng MVP award sa ligang CESAFI sa Visayas bilang manlalaro ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu Magis Eagles varsity squad. Excited na siyang makaapak sa basketball court ng UAAP at itayo ang bandera ng kanyang eskwelahan.

Samantala, bumisita naman si Dyan Castillejo sa Bureau of Immigration sa Clark, Pampanga para tulungan at turuan ang mga empleyado na magkaroon ng malusog na pamumuhay. Ito ay parte ng kanyang adbokasiya na magkaroon ng healthy lifestyle ang bawat Pinoy.

Show comments