MANILA, Philippines – Walang duda, ang tambalang Aldub ang bagong Guy at Pip ng showbiz nowadays. Grabeng kasikatan ang ipinakita nina Yaya Dub o Maine Mendoza sa totoong buhay at Alden Richards. Bawat galaw ng binata ay tinitilian lalo na kung patungkol kay Yaya Dub.
Natatandaang may manyika lang ibinigay si Pip kay Nora, naging Maria Leonora Teresa agad at naging pelikula pa. ‘Yung teddy bear naming ipinakita nina Richard at Maine, ay naging simbolo din ng pag-iibigan ng dalawa. Nakakahanga ang Eat Bulaga Director na si Pochie Rivera, tamang tama pagsasagutang awit ng Aldub Team.
Bumulaga din ang matinding acting ni Wally Bayola. Iba’t-ibang karakter ang ipinakita niya sa KalyeSerye. Mistulang binuhay sina Babalu, Bella Flores at Ben Tisoy. Saludo ako sa mga pakulo ng Eat Bulaga na walang mintis.
Kier kinabubuwisitan
Maraming naasar kay Kier Legaspi. Paano ba naman, matapos niya tangkang gahasain ni Boyet de Leon si Lovi Poe sa isang eksena ng Beautiful Stranger, binuhusan pa niya ng gasolina ang dalaga at aktong susunugin pa ito.
Ang nakakainis pang ginawa ni Kier ay binulsa niya ang wedding ring nina Roco Nacino at Lovi Poe bago sila patayin. Teka eksena lang po ito at hindi sadyang pinag-interesan ang naturang singsing. Body guard kasi ni boyet si Kier sa naturang serye.
Dan balik-akting
Balik teleserye ang dating action star si Dan Alvaro sa seryeng Buena Pamilya. Matagal-tagal ding hindi napapanood si Dan. Mabuti na lang, muling binigyan ng break ang actor. Si Dan ay minsan ding naging Big Star at itinambal pa kay Nora Aunor. Ang problema, hindi niya minahal ang kanyang propesyon at ito’y napabayaan niya. Mabuti na lang, muli siyang napanood sa Wish ko lang, at naipasok bilang kontrabida sa Buena Pamilya. Pareho na sila na nasa Kapuso ng pamangking si Glaiza de Castro, na isa ring magaling na singer.
Amanda Amores at mga anak, nakaligtas sa pagsabog
Sobrang takot ang inabot ng aktres na si Amanda Amores noong mag travel sila ng Bangkok, Thailand, kasama ang asawang si Sto. Domingo Quezon City Chairman Richard Yu at mga anak. Kamuntik silang mapunta sa may pinasabog Erawan Shrine na famous sa mga turistang pumupunta sa Thailand. Twenty people kasi ang namatay. Mabuti na lang daw ay nagbago ang destination cruise ship nilang sinasakyan. Matinding trauma raw ang naramdaman ni AA. Mabuti dala dala niya ang kanyang rosary at panay ang dasal ng pasasalamat sa kanilang pagkakaligtas.