Nangako si Marian Rivera na pagkatapos niyang manganak ay maglalaan siya ng oras para suportahan muli ang Smile Train Philippines.
Hindi man siya visible sa project ng Smile Train, hindi tumitigil si Marian sa kanyang Instagram o Twitter accounts na ipaabot ang magandang hangarin na tulungan ang mga batang may cleft lip at palate, hindi lang sa bansa kundi maging sa buong mundo.
Pero pangako ni Marian na uubusin niya sa buong bansa ang mga batang may ganitong problema. Hindi raw siya titigil hanggang hindi niya napapangiti ng maayos ang lahat ng batang bingot kung tawagin.
Kung susumahin, isang milyon na ang natulungang pasyente ng Smile Trian sa buong mundo. Kaya ganito rin ang wish ni Marian na sugpuin ang ganitong problema ng mga bata sa ating bansa.
Isang paraan daw niya ito para makatulong at maabot ang mga bata lalo na ang mga walang kakayahang pamilya para ipagamot ang kanilang mga anak. Sa pakikipagtulungan ni Marian sa Smile Train hindi malayong matupad din ang kanyang pangarap para sa mga bata. Pagkakataon din daw ito ni Marian para maibalik niya ang lahat ng mga blessings na natatanggap at makapagpasalamat sa paraan ng pag-abot ng pangarap ng mga bata.