Ang saya-saya ng get-together party ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada with the entertainment press held sa Vera-Perez Garden na kilala ding Sampaguita Pictures Garden sa Valencia Street, Gilmore Ave., Q. C. noong Lunes. Akala namin, puro movie reporter na kaalinsabay ni Mayor Estrada na senior citizens na ngayon pero mayroon ding invited na mas bata sa amin. In other words, halu-halo na ang mga movie press na dumating sa napakasayang party na sadyang pinaghandaan ni Mayor Erap katulong si Manay Ichu Perez-Maceda at ng mga kapatid niyang sina Lilibeth at Chona.
Ang sasarap ng food na balik-Sampaguita days dahil prepared ito ng Perez Chef na si Lilibeth. Naroon pa rin ang masarap na laing, adobo, litson, igado, at anik-anik na forte ni Lilibeth kapag may party sa Sampaguita Pictures. Idagdag pa ang walang kamatayang bibingkang malagkit na may latik, suman, kalamay na ube, at ang minatamis na saging na saba.
Talagang enjoy ang lahat sa party at pati music, ay mga kanta noong panahon na kay sarap sa pandinig - mga kanta nina Mayor Erap at nasirang si Fernando Poe, Jr. (FPJ).
Ilang senior stars ang nagpasaya ng gabi gaya nina Daisy Romualdez, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Luz Valdez, Barbara Perez, Tito Arevalo, Lorli at iba pa na ‘di ko ma-recall ang mga name. Alam mong artista sila kahit may mga edad na dahil magaganda pa rin. Alaga nila ang kanilang sarili sa pagdaan ng panahon.
Basta masaya ako, most memorable night ang get-together party at sana maulit itong muli. Kesehodang hindi ako nanalo sa inabutan kong raffle.
Basta thanks Ricky F. Lo. Salamat Mayor Erap! Mabuhay po kayo!
Baguhang singer na si Edward Benosa namamayagpag sa Music Chart ang single
Ito palang awiting ‘Di Man Lang Nagpaalam spent 11 weeks sa Pinas FM weekly countdown at nasa number 24 sa Pinoy Top 100 tally by the Philippine Music Charts. At take note, ang official music video ng kanta na uploaded sa YouTube ay may over 400,000 views na, at posibleng umakyat pa. Maraming nagkagusto sa melody and lyrics nito. Sabi nila, “a nice song for the broken hearted.” At ang nakakagulat, isang baguhang mang-aawit ang kumakanta na parang sugatan ang puso, siya si Edward Benosa, 23-years-old na may dugong Kastila.
Ang ina niya ay Pinay, at ang ama naman ay pure Spanish! ‘Yun na! Oi Pogi! Bale isang aktor din na si Arnold Reyes ang manager ni Edward. Siya ang naka-discover na may talent si Edward sa pagkanta at may posibilidad na umangat ang career sa singing. E, isang songwriter si Arnold na ang idol ay si Ogie Alcasid. Si Arnold ang lumikha ng kantang ‘Di Man Lang Nagpaalam na ngayon ay nasa album na at halos lahat ng mga radio programs ay pinatutugtog ito sa himpapawid. Bale ba ito ang debut album at single ni Edward at mismong si Boy Abunda ang nagbigay ng blessing at lakas ng loob kay Arnold na alagaan si Edward.
Who knows, ngayon na ang big break ni Edward na matagal na niyang inaasam. Why not? Sa said debut album, namnamin mo ang mga ibang awiting tiyak manunuot sa puso mo, ang mga ito ay ang Ingatan Mo, Ikaw Lang, Paglisan, Puso Kong Ito, Sa Piling Mo, at Why Didn’t You Stay.
Maligayang pagbabalik Ystar!
Welcome back to your column, Ethel Ramos. God is good all the time. Thanks St. Padre Pio of Pietrelcina Capuchin!