Pera na kasi, naging bato pa Maria Ozawa tinalakan si Robin sa pag-ayaw sa pelikula nila!

MANILA, Philippines – Nagbunganga talaga ang Japanese porn star na si Maria Ozawa sa kanyang Instagram account matapos mag-back out si Robin Padilla sa festival movie nilang Nilalang. Siyempre, pera na nga ay naging bato pa, huh!

Siyempre, kinabiliban ng netizens ang desisyon ni Robin na unahin muna ang asawang si Mariel Rodriguez lalo na’t triplets ang nakatakdang ipapanganak nito. Delikado ang kalagayan ng asawa so kailangan siyang umalalay dahil tragic na nga ‘yung nakunan ang unang pagbubuntis ni Mariel, huh!

Kahit sinabihang unprofessional ni Ozawa, naging chill lang ang response ni Binoe sa Instagram account niya. Nandoon pa rin ang respeto niya sa pagiging babae ni Ozawa.

Imagine, matagal na nilang hinintay ni Mariel ang magkaroon ng anak. Swerte nga’t tatlo agad ang hinihintay nila, huh! Pangit naman ‘yung nagpapakaalipin siya sa pera habang ang asawa niya ay nahihirapan, huh!

Eh, hindi lang naman si Ozawa ang nawalan ng kita kundi maging si Robin din pati na ang ibang cast, staff and crew na waiting na masimulan ang project.  So patas lang ang naging epekto sa lahat sa pag-ayaw ni Robin sa pelikula.

Tapos, desisyon ng producers na huwag nang ituloy ang project dahil si Ro­bin lang ang gusto nilang maging bidang lalaki.

Dahil sa nangyari, todo dasal ngayon ng producers at ni John Lloyd Cruz na maipalit ang movie niyang Con-Man bilang official entry at gayundin ang produ ang Lakambini pati na ng bidang si Lovi Poe.

Second time nang nag-back out ni Robin sa MMFF.  Pero kung noon ay siya ang producer ng movie at nagbayad ng multa, this time, ang producers ng Nilalang ang magbabayad ng kaukulang multa, huh!

Shows ng GMA sa twitter lang pumapalo?

Hindi naman nagpatalo ang dalawang shows ng GMA Network na nagsimula last Monday, ang Beautiful Strangers (BS) at My Faithful Husband (MFH) kung trending sa Twitter at magagandang reactions mula sa mga netizens ang pagbabasehan.

Bago nga ang telecast ng BS, ang sisipag mag-tweet ng fans nina Heart Evangelista, Rocco Nacino at Lovi Poe. Pinatindi nila ito nu’ng pilot episode at gayundin ang fans nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng MFH.

So trending din sa Twitter ang dalawang drama series. Mas lumamang nga lang ang MFH sa BS nang lumanding sa Top 10 spot ang reunion serye nina Jen at Dennis.

Katapat ng GMA series ang shows ng Kathniel at Jadine loveteams. Kaya kailangan triplehin ng fans ng Kapuso stars ang sipag nila para mapantayan ang pakikipagbuno sa social media ng kalaban nila, huh!

Sen. Grace pinasasabik ng todo ang madla

Sa August 20 ang birthday ni Fernando Poe, Jr., ama ni Senator Grace Poe. Nagpahayag na ang senadora na walang maaasahang announcement ng publiko sa desisyon niya kung aanib ba kay Sec. Mar Roxas bilang Vice President o tatakbo bilang Presidente.

Ang alam namin, sa August 20, invited si Sen. Poe sa preview ng TV version ng Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Present din sa showbiz event na ‘yon ang ina niyang si Susan Roces.

But wait! Sa September 3 ay birthday ni Sen. Grace. So, that’s another date to watch out for, huh!

Show comments