Bimby kursunada na uling gawing tatay si Mayor Herbert!

Mahigpit ang security sa shooting ng Metro Manila Manila Film Festival (MMFF) movie nina Herbert Bautista at Kris Aquino na Mr. and Mrs. Split.

Komportableng-komportable na magtrabaho sina Mayor Bistek at ang TV host/actress sa shooting nila ng movie para sa December.

Professional ang dalawa sa kanilang shooting at hindi sila nagkakailangan sa set. Bale ba nag-workshop muna sina Herbert at Kris para sa kanilang pelikula.

Gumaganap na isang teacher si Kris at bagay naman na isang executive si Bistek.

Siyempre hindi maaalis na sweet sina Kris at Herbert na parehong ayaw magpaapekto sa mga isyu sa paligid nila.

Katulad nang magkakampi pa rin sina AiAi delas Alas at Tates Gana. Ayaw patulan ni Herbert ang nasabing intriga, basta focus ito sa kanilang shooting.
May time pa na bantay sarado sina Kris at Herbert ni Bimby sa shooting ng dalawa.

Katulad ni Kris naka-move on na rin si Bimby sa naging ending ng love affair ng kanyang mom at ni Mayor Bistek pero nagsasabi itong okey sa kanya na maging tatay si Mayor.

Show comments