SONA coverage ng ABS-CBN, mas tinutukan

MANILA, Philippines -Mas maraming Pilipino sa buong bansa ang tumutok at kumuha ng updates mula sa live co­verage na ginawa ng ABS-CBN sa pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang Lunes (Hulyo 27).

Base sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural areas sa bansa, nagtala ang SONA coverage ng ABS-CBN ng national TV rating na 19% o halos siyam na puntos na lamang sa SONA coverage ng GMA na nagtala lang ng 10.4%.

Pinangunahan ng mga mamamahayag na sina Ted Failon at Lynda Jumilla ang live coverage ng SONA para sa ABS-CBN, Tony Velasquez at Karmina Constantino para sa ANC, at Anthony Taberna at Gerry Baja para sa DZMM.

Napanood din ng publiko ang livestreaming ng SONA sa abs-cbnNEWS.com, kung saan nakalatag pa rin ang Aquino Promises Tracker (ABS-CBNNews.com/aquinopromises) na nagpapakita ng mga ginawang pangako ni Pangulong Aquino sa mga Pilipino.

Tanya Garcia bumalik na sa pag-arte!

Wagas na pagmamahalan ng dalawang tao na may 14 taong agwat sa edad ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 1). Gagampanan ni Tanya Garcia sa MMK episode ang karakter ng 31-anyos na dalagang si Ruby, samantalang bibigyang buhay naman ni Yves Flores ang role ng teenager na si Engel.

Sa paglalim ng kanilang pagkakaibigan, hindi napigilan nina Ruby at Engel na mahulog sa isa’t isa sa kabila ng pagkakaroon ng malaking pagkakaiba ng kanilang mga edad. Ngunit mas susubukin ang pag-iibigan ng da­lawa nang mabuntis si Ruby at napilitan si Engel na tumigil sa pag-aaral para harapin ang responsibilidad bilang isang batang ama.

Tunghayan sa kwento nina Ruby at Engel kung paano pinatatag ng mga pagsubok ang kanilang pag-iibigan at kung paano nila ipinaglaban ang kanilang relasyon mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan na hindi sang-ayon dito.

Tampok din sa upcoming MMK episode ngayong Sabado sina Carla Humphries, Tanya Gomez, Allan Paule, Snooky Serna, Ronnie Quizon, Denise Joaquin, Patrick Sugui, at Jon Lucas. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka at panulat ni Beson Logronio.

Iya at Solenn, magpapabebe sa food trip

Walang makapipigil sa Taste Buddies Pabebe Girls na sina Solenn Heussaff at Iya Villania sa kanilang food hunt ngayong Sabado, 8:45 PM, sa GMA News TV kasama sina Louise Delos Reyes at Ken Alfonso ng GMA Artist Center sa A. Mabini Street, San Juan.

Ang first stop ng tropa, ang CO/OP Café and Gift shop. Co/op stands for the ‘cooperative’ effort of the owners kaya naman very cooperative rin sina Sos at Louise na tikman ang lahat ng food sa kanilang menu. After tikiman time, sisilipin naman ng girls ang cute and quirky items sa gift shop na perfect sa mga pabebe!

Dadayuhin din nila ang 7 Flavors na isang bakery, café, at buffet all in one place! Titikim ang Taste Buddies gang ng pitong specialties dito tulad ng ensaymada na may seven flavors.

At siyempre sa Eats Time, samahan ang bad boy ng dance floor na si Mark Herras na susubukan kung paano tumugtog ng ukelele kasama ni Kai Atienza sa Uke Cafe habang kumakain ng kanilang merienda specialties.

Show comments