Kuya Germs pinaalalahanan ang mga mukhang pera na walang loyalty!

Marami ang humanga kay German “Kuya Germs” Moreno dahil kahit na nahirapan itong kumilos at magsalita, dumating siya sa GMA Fans Day na #ThankYouKapuso na ginanap sa Mall of Asia Arena last July 26.

Pinaka-touching moment nga ang first public appearance ni Kuya Germs pagkatapos nitong ma-mild stroke ilang buwan nang nakakaraan.

Inalalayan ngang palabas si Kuya Germs ng pamangkin niyang si John Nite pagkatapos ng production number ng kanyang mga inaalagaan na talents sa Walang Tulugan With the Master Showman.

Isa-isa ngang pinasalamatan ni Kuya Germs ang mga taong may kinalaman sa kanyang career bilang TV host at talent discoverer.

Taus-puso ang pagpapasalamat niya sa binibigay ng GMA-7 sa kanyang mga naging shows mula pa sa That’s Entertainment, GMA Supershow at sa Walang Tulugan with the Master Showman.

Pinaalala ni Kuya Germs sa marami ang importansya ng loyalty.

Higit na tatlong dekada na kasi si Kuya Germs sa GMA-7 at pinahahalagahan niya ang mga taong nakatulong sa kanya sa naturang TV network.

Hindi raw importante ang kahit na magkanong amount ng pera ang kitain ng isang artista, kung wala itong loyalty, bale-wala raw ang mga iyon.

Kaya kahit na dumaan siya sa matinding pagsubok, tuloy pa rin ang pagtulong niya sa pag-develop ng mga bagong talents para sa GMA-7.

Migz may future sa pag-aartista 

Puwede ring pasukin ng baguhang singer at internet sensation na si Migz Haleco ang pag-aartista.

Matangkad at may chinito charm ang 21-year old na si Migz bukod sa mahusay itong kumanta at tumugtog ng gitara. Pang-leading man nga ang dating niya.

Graduating student ito mula sa College of Saint Benilde with a course in Music Production.

Dahil sa kanyang mga in-upload na mga music videos on YouTube kaya siya nagkaroon ng maraming followers. Meron na nga siyang 20K likes sa kanyang Facebook fan page, 64.6K followers on Twitter, 21.1K followers on Instragram and 72K likes on his SoundCloud page.

May talent din siya sa paglikha ng mga original songs at kabilang na rito ay ang sinulat niya na Losing It.

Kung may offer daw, papasukin niya ang showbiz bilang artista, hindi raw siya tatanggi. Pero mas priority raw niya ang kanyang music dahil ito raw ang pinaka-talento niya na namana niya sa kanyang ama.

Mina-manage si Migz ng PPL Entertainment na siyang nag-aalaga sa careers nila Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann at marami pang iba.

Anak ni Whitney pumanaw na!

Pumanaw na si Bobbi Kristina Brown noon nakaraang July 26. She was 22-years old.

Si Bobbi Kristina ay anak ng rap singer na si Bobby Brown at ng yumaong diva na si Whitney Houston.

Hindi na nagising pa si Bobbi Kristina mula sa kanyang pagka-comatose noong nakaraang January 31. Natagpuang walang buhay si Bobbi Kristina sa bathtub ng kanyang bahay sa Atlanta, Georgia.

Three years ago ay sa gano’n posisyon din nakitang patay na ang kanyang inang si Whitney sa Beverly Hills Hilton Hotel.

Pagkatapos nga ng anim na buwang pagdarasal at paghingi ng milagro ng pamilya nito, tinanggap na nila ang katotohanan na hindi na muling magigising pa si Bobbi Kristina.

 “Bobbi Kristina Brown passed away July 26, 2015, surrounded by her family.

 “She is finally at peace in the arms of God.

 “We want to again thank everyone for their tremendous amount of love and support during these last few months,” ayon pa kay Kristen Foster, na siyang representative ng Houston family.

Ayon sa police report, drowning ang naging cause ng pagkaka-coma ni Bobbi Kristina. Pero naging suspect nga ang ka-live in nitong boyfriend na si Nick Gordon.

Kinasuhan nga si Nick ng pamilyang Houston ng assault, battery, intentional infliction of emotional distress, unjust enrichment and conversion at sa pagnakaw nito ng higit na $11,000 sa bank account ni Bobbi Kristina noong kasakuyang na comatose ito.

Hindi nila pinayagang makalapit si Nick kay Bobbi Kristina noong nasa ospital pa lang ito.

Pumasok sa isang rehab facility si Nick dahil sa paggamit nito ng mga pinagbabawal na droga, pero lumabas daw kaagad ito without finishing the program.

Taga-pagmana si Bobbi Kristina ng naiwang estate ng kanyang inang si Whitney.

Show comments