Sa Holy Wednesday, April 1 pa ang 63rd birthday ng multi awarded actor na si Tirso Cruz III, pero nagkaroon na siya ng birthday celebration and thanksgiving last Saturday, March 28 sa Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde. It’s a celebration of life as the family of Pip (Lynn, TJ, Bodie and Djanin) thanked all their friends, doctors and pastors who supported them. Pip testifies the greatness of God who showered him with miracles of healing. Pip announced na 100% cancer free na siya after almost six months, na lumaban at hindi siya bumitiw kay Lord. Kaya before his testimony, everybody ang I Offer My Life led by Bodie, Djanin, Ina Feleo, Cal Mortiz with Ana Feleo at the piano.
Dumating lahat ang mga friends nina Pip at hindi kakasya sa ating column ang mga names nila, na nakisaya sa kanila, some shed tears of happiness and thanksgiving. To Tirso Cruz III, happy, happy birthday and God bless you more.
Nova at Keempee nagka-inlaban!
In observance of the Holy Week, wala munang live presentation ang noontime variety show na Eat Bulaga. Sa halip, mayron silang back-to-back episode na ipalalabas, hango sa buhay ng mga nanalo sa kanilang Laban O Bawi segment.
Ngayong Holy Monday, first episode ang Biro ng Kapalaran na dinirek ni Mark A. Reyes at tampok sina Ms. Nova Villa at Keempee de Leon na natutong mahalin ang isa’t isa kahit si Siony (Nova) ay 65 years old na at si Rocky ay 31 naman. Kasama rin nila sina Paolo Ballesteros at Jimmy Santos.
AiAi makakasama na si Ariel sa GMA
Tuloy na ngayong Lunes, March 30, ang story conference ng Let The Love Begin na launching drama series ng tween love team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. To be directed by Ms. Gina Alajar, kasama rin sa serye ang nagbabalik Kapuso na si Ariel Rivera at ang bagong Kapuso, si Ms. AiAi delas Alas. Hindi na muna namin ipi-preempt kung ano ang roles nina AiAi at Ariel.
Hindi na nga tuloy si Regine na makasama sa serye dahil tinanggihan niya ang offer sa katwirang isa rin siya sa judges ng nalalapit na pagbabalik ng StarStruck original artista reality search ngayong April sa GMA-7
Two weeks na palang pahinga si Direk Gina sa taping ng Yagit, pinalitan na siya ni Direk Don Michael Perez. Magsisimula naman siyang mag-taping ng Let The Love Begin pagkabalik nila from Hong Kong, na kasama niyang magpapalipas ng Holy Week ang mga anak na sina Geoff and Ryan Eigenmann and her grandchildren na dadalhin nila sa Hong Kong Disneyland.