Dyowa ni Ruffa suportado rin ang mga anak niya

MANILA, Philippines - Dinaluhan namin ang Love Collection Launching event ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice Bektas. Ito ay mga damit na pambata na sina Lorin at Venice mismo ang nag-design in collaboration with Rajo Laurel. Bata pa ay tinuturuan na ni Ruffa ang mga anak bilang ina na sa murang edad ay bigyan na niya ng idea ang mga bata kung papaano kumita in their own little way. Hindi naman sila inoobliga ni Ruffa, siya lang ang sumusubaybay sa kanilang hilig gawin. Ang papel lang ni Ruffa ay bigyan ng puhunan at ang kikitain, siyempre sa savings nila mapupunta.

Sa interview kay Ruffa ay super excited ito sa negosyo ng anak habang nasa paligid ang French Boyfriend na si Jordan Mouyal na kinokontra ng inang si Annabelle Rama.

Nagkabati rin sa nasabing event si Annabelle at ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati. Sa sandaling iyon lang pala nagkabati ang dalawa kaya napasigaw si Richard Gutierrez sa achievement na nagawa nila. Gusto yata ni Chard ng isang celebration. Driver pa namin ang nakasaksi ng pagbabati huh.

Joel Cruz ‘nagpagawa’ na naman ng kambal!

Si Joel Cruz ng Afficionado ay nasa Love Collection event din nina Lorin at Venice. Isa siya sa maraming sponsors ng event na ito. Kasama pang rumampa ang kambal niya, na ang lalaki na at super cute.

Ibinalita rin ni Joel na may darating ulit siyang dalawang anak, as in kambal na na naman with the same woman from Russia. Parehong procedure ang ginawa sa babae at inaabot pala ito ng P12-M. Mas type raw niya ang dugong Russian sa mga anak dahil matitikas ang mga ito.

Kaya madalas si Joel sa Moscow dahil sinisiguro niya na nandun siya pagkasilang ng mga bata.

Miriam ginawan ng libro ang presensya ng maykapal

Matapos ang event nina Lorin at Venice ay pinakiusapan kami ni Jun Lalin na suportahan ang book launching ni Miriam Quiambao nung hapong iyon sa National Bookstore sa Glorietta sa Makati rin. Sa launching na iyon na si Donita Rose ang host ay ikinuwento ni Miriam ang mapait na pinagdaanan niya matapos niyang manalo as first runner up sa Miss Universe.

Napahiwalay siya sa asawa at sabay-sabay daw ang dagok na dumating sa buhay niya sa pamilya at lovelife. Naubos ang perang pinagpaguran niya at akala niya ay wala nang katapusan ang hindi magandang pinagdaanan niyang iyon. Mabuti na lang daw at may gumabay sa kanya na nasa itaas at hiningan niya ng tulong. Mula noon ay unti-unti siyang nakabangon at nakilala niya ang mga tunay na nagmamahal sa kanya at sumusuporta hanggang sa nakapag-asawa siyang muli.

Maayos na muli ngayon ang buhay niya sa gabay ng nasa itaas at lahat ng hinihiling niya ay ibinibigay daw sa kanya. Ito yata ang laman ng libro niya na may titulong He Can Catch You When You Fall na available na sa National Bookstore.

Ilan sa namataan namin sa maraming taong dumating sa book launching sina LJ Moreno, Tim Yap, Cristal Belo, Karen Davila at marami pang iba.

                                                               

 

Show comments