Inokray-okray ang ibang contestant, Toni Gonzaga stand up comedianne ang peg nang mag-host sa Binibining Pilipinas

SEEN: Stand up comedienne ang peg ni Toni Gonzaga bilang host ng coronation night ng Bb. Pilipinas 2015 noong Linggo. Ang televiewers ang na-offend sa pang-ookray ni Toni sa mga finalist sa question and answer portion.

SCENE: Mga kilala at hindi lamang mga ordinaryong tao ang pumuna sa mga pang-comedy bar na hirit ni Toni Gonzaga na nabigo na gayahin ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.

SEEN: Ang reklamo na marami sa mga nanalo sa Bb. Pilipinas ang mas deserving na ipadala sa Miss Universe, si Pia Wurtzbach ang nagwagi ng Bb. Pilipinas-Universe crown.

SCENE: Dapat nang mag-retire bilang mga anchor ng Bb. Pilipinas sina Shamcey Supsup, Venus Raj at Ariella Arida dahil boring na sila na panoorin at nagmimistulang replay ang coronation night.

SEEN: May speech problem si Ariella Arida. Nagdusa ang televiewers sa panonood sa kanya. Scene: Naging maingat na si Xian Lim sa kanyang hosting job sa Bb. Pilipinas 2015. Hindi na niya ginamit ang kanyang favorite line na “very well said”.

SEEN: Hindi na alam ni Xian Lim kung saan ilalagay ang sarili dahil may sinasabi pa rin ang kanyang detractors nang manahimik siya sa isang tabi tuwing commercial break. Inakusahan si Xian na nagdiva-divahan dahil hindi raw niya tinulungan si Toni na i-entertain ang audience ng Smart Araneta Coliseum habang commercial break.

SCENE: Nagagalit ang Noranians kay Melai Cantiveros dahil sa bintang na pinaglaruan niya si Nora Aunor sa second night ng Your Face Sounds Familiar. Si Nora ang ginaya ni Melai at hindi ito nagustuhan ng Noranians na sineryoso nang todo ang variety show ng ABS-CBN.

SEEN: Nakiramay si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa na­ulilang pamilya ni Liezl Martinez. Madamdamin ang pagtatagpo nina Vilma at Amalia Fuentes, ang ina ni Liezl.

Show comments