Robin nagluluksa Mariel nakunan?!

Malungkot naman ang post ni Betchay Vidanes, manager ni Robin Padilla sa kanyang Facebook na: “To the amazing, brave and beautiful @marieltpadilla and my dear friend @robinhoodpadilla, I am broken hearted by the news of the loss of your unborn angel, but your faith and love for each other will prevail and God’s grace will shine on each new life, no matter how brief, forever changes the world. #byeCutiepie”.

Danica at mga anak enjoy sa panonood ng Disney stories sa reload

Na-excite pala ang mga executives ng PLDT HOME Telpad, nang malaman nilang magiging bagong bahay na ng mga Disney stories ang inyong mga home telpad, at una ngang mapapanood ang Walt Disney’s Cinderella. Kaya naman kahit Sunday, nagbigay sila ng mini-presscon for the entertainment press, hosted by Princess Kat (Katherine Medina), bago ang block screening ng Cinderella sa Shangri-La Cinema 4, attended by parents and their children who came in costumes of Disney characters.

Tatlo sa mga nag-join sa contest ang nakatanggap ng prizes at iyong hindi napili, binigyan din nila ng gifts. Nag-attend sa screening si Danica Sotto-Pingris and her kids at sinabi niyang ini-enjoy nila ng mga anak niya ang panonood sa kanilang home telpad, ng mga classic collection of fairy tales.

Ayon kina Gary Dujali at Patrick Tang ng PLDT Home Telpad, every month ay may mga bagong Disney stories na mapapanood sa kanilang mga telpad ang kids. Next to Cinderella ang Aven­gers sa April at muling magkakaroon ng block screening at pa-contest sa mga kids na magsusuot ng Avengers costume. Para mas ma-enjoy ninyo ang Disney experience using the PLDT HOME Telpad, mag-log on lamang kayo sa www.pldthome.com/telpad.

Mall show inihinto sa nagwawalang fans tambalang Miguel at Bianca sobrang lakas!

Last Sunday, napilitang ihinto ang mall show nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Eunice Lagusad, Miggy Jimenez, Sabrina Man at Be­tong Sumaya sa Robinson’s Place Malolos, Bulacan dahil naging wild and crazy na ang fans na nanood dito. Bilang pasasalamat ng cast ng Once Upon A Kiss sa patuloy na pagsubaybay sa kanila gabi-gabi ang nasabing mall show.

Ayaw ng management ng mall na magkasakitan ang fans na umabot hanggang third floor kaya madaling nagpasalamat ang cast. Gabi-gabi na kasi ang kilig moments sa pagitan nina Prince (Miguel) at Ella (Bianca) sa soap na dinidirek ni Bb. Joyce Bernal, lalo ngayon na reunited ang dalawa na pareho ang school nila sa Manila.

Napapanood ang Once Upon A Kiss pagkatapos ng faith serye na Pari Koy.

Show comments