Magbabalik nga sa Broadway ang Tony Award-winning actress at The Voice of the Philippines coach na si Lea Salonga.
Lalabas si Lea sa bagong musical titled Allegiance na magsisimula on Broadway in New York City on October 6, 2015.
Kasama ni Lea sa naturang musical ang Fil-American actor na si Paolo Montalban, Broadway actor Telly Leung at ang film and stage actor George Takei na kilala ng marami sa kanyang pagganap bilang si Hikaru Sulu sa cult classic sci-fi series na Star Trek.
Sa Longacre Theater on 220 West 48th Street on Broadway magbubukas ang Allegiance na based sa book ni Marc Acito.
Inspired ang kuwento ng Allegiance sa childhood ni Takei noong panahon ng Japanese-American war during World War II.
“Allegiance tells the epic multi-generational tale of deep family loyalty, romance, humor, optimism and unparalleled heroism in the face of fear and prejudice against Japanese-Americans during World War II and beyond,” sey pa ni Takei.
Unang nag-premiere ang Allegiance sa Old Globe Theatre in San Diego, California.
Biglang kumanta Kevin Frazier ng ET naging instant fan ni Pacman
Kinatuwaan ng host ng Hollywood entertainment program na Entertainment Tonight na si Kevin Frazier si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao dahil pinagbigyan siyang mag-duet sila.
Nakapanayam ni Frazier si Pacman sa red carpet event in Los Angeles, California para sa live press conference ng Manny Pacquiao vs Floyd Mayweather fight on May 2nd sa Las Vegas, Nevada.
Tinanong ni Frazier si Pacman tungkol sa pagiging singer nito at game naman si Manny na sabihin na bukod sa kanyang pagiging boxer at politician sa ating bansa, nagmu-moonlight din siya bilang isang singer.
Sinubukan siya ni Frazier nang mag-impromptu duet sila ng paboritong song ni Pacman na Sometimes When We Touch.
Walang kaabog-abog na kumanta si Manny na ikinatuwa ng TV host.
Ngayon daw ay isa na siyang certified fan ni Manny Pacquiao.
Tinanong naman ni Frazier si Mayweather kung alam ba nito na isang singer din ang makakalaban niyang si Pacman.
Sagot lang ni Mayweather: “I never heard him sing.”
Shania Twain naglabas na ng sama ng loob sa dating best friend at trusted secretary na umagaw sa kanyang mister
Nagsalita na ang Canadian country superstar at 5-time Grammy winner na si Shania Twain tungkol sa babaeng naging dahilan kung bakit naghiwalay sila ng kanyang mister na si Robert “Mutt” Lange seven years ago.
Hindi nagkuwento si Shania noon dahil iniisip niya ang magiging kalagayan ng kanilang anak na si Eja na ngayon ay 13 years old na.
Pumayag na si Shania na magsalita sa programang Watch What Happens Live. Ni-reveal ng singer na ang naging other woman ng kanyang ex-husband ay ang kanyang best friend na nagngangalang Marie-Anne Thiebaud.
Hindi lang best friend ni Shania si Marie-Anne kundi trusted secretary niya ito at taga-manage niya ng kanyang estates sa Switzerland.
“I wish I’d never met you,” madiin na pahayag ni Shania patungkol sa dating best friend.
“You know, you panic in those situations. I didn’t know what to do.
“I think there are just some people in life you would say, ‘I wish I hadn’t met this person or I would have been better off not ever knowing that person.’
“But I can’t say I would be better off because I think I learned a lot from all of that. I don’t regret it.”
Dahil sa nangyaring iyon ay nagkaroon ng sakit na dysphonia si Shania. Naapektuhan ang kanyang vocal chords kaya ilang taon din siyang hindi nag-perform.
Pinasikat ng 49-year-old singer ang mga awiting Still The One, From This Moment, Man I Feel Like A Woman, That Don’t Impress Me Much and You’ve Got The Way.
Naging bahagi siya ng VH1 Divas Live kung saan nakasama niya sina Mariah Carey, Celine Dion, Gloria Estefan at Aretha Franklin.
Nagbabalik si Shania sa music scene after 11 years at isang 50-city US concert tour ang kanyang gagawin starting on June 5, 2015.
Ire-release na rin niya ang kanyang 5th studio album bilang follow-up sa kanyang multi-platinum 2002 album na Up!