Gabby ayaw agawin ang titulo ni Dingdong

Si Gabby Eigenmann ang bida ng bagong family-friendly Sunday drama series na InstaDAD, kontrabida naman siya sa faith-serye na Pari Koy kaya biro sa kanya nung presscon sa GMA Network, siya dapat ang tawaging Primetime King.

“Wala namang ganoon, mayroon nang Primetime King, pero inaamin ko na nasa cloud 9 ako ngayon,” sagot ni Gabby. “I’m very thankful sa network dahil hindi nila ako nakakalimutang bigyan ng magagandang projects. Hindi sila nagsasawa sa akin at sana hindi rin magsawa sa akin ang mga manonood dahil six days a week mapapanood nila ako. Every night ako sa Pari Koy at every Sunday naman after Sunday All Stars ako mapapanood dito by next month, April.”

‘Kasal’ nina Jean at Jomari inulan!

Kung maraming natuwa sa biglang pag-ulan mag­hapon last Wednesday, pagkatapos ng announcement na pumasok na ang El Niño sa bansa, hindi naman ikinatuwa ito ng mga nagti-taping ng kanilang mga drama series tulad ng The Half Sisters na umaga pa lamang ay malakas na ang ulan sa location nila sa Tanay, Rizal.

But no choice si Direk Mark Reyes, ang cast at production staff kundi ituloy ang taping dahil mamayang hapon na, after ng Eat Bulaga ipalalabas ang wedding scene nina Rina (Jean Garcia) at ng fake na si Benjie (Jomari Yllana).

Marian nilinlang ni Michael V

Nagkaroon din ng technical problem ang first taping day ng The Rich Man’s Daughter ni Primetime Queen Marian Rivera-Dantes kaya hindi sila natuloy. Kaya si Marian, sunud-sunod muna ang paggi-guest sa ibang shows ng GMA-7. Nag-taping siya muli ng isang episode ng Sarap Diva ng ninang Regine Velasquez-Alcasid niya pero sa March 28 pa ito mapapanood. 

Mamayang gabi naman, makikipagkulitan si Marian sa cast ng longest-running gag show na Bubble Gang.

Show comments