Sharon hindi mapigilan ang sarili sa pag-e-emote

May mga taong napakabilis na mag-comment. Iba’t ibang reaksiyon ang nakita namin sa isang post ng megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang social networking account. Nagkuwento kasi siya ulit ng isa pang disappointment tungkol sa ibang taong, hindi naman niya sinabing nagnakaw, kung ‘di sumira ng kanyang pagtitiwala.

Nasabi ni Sharon na kung minsan, hindi niya akalain na iyong itinuturing niyang kaibigan ang sisira pa ng kanyang pagtitiwala. Totoo, napaka-personal na noon at siguro nga hindi na dapat inilalabas sa social media. Pero kahit kanino, basta disappointed ka o napakasaya mo, nangyayari iyan. Iyan kung sabihin nga nila ay “thinking out loud”. Minsan nababanggit mo kung ano ang nasa isip mo.

Kung kami ang tatanungin, it only shows na tao si Sharon. Nakakadama rin siya ng frustrations dahil sa ilang pangyayari sa buhay.

Hindi fairy tale ang buhay niya.Ano ang masama doon?

Pakikipag-tsuktsakan ni Carmina mas inaabangan

“Hindi iyong sexy dancing ni Maja Salvador ang aaba­ngan ko. Mas gusto kong makita iyong sinasabi nilang sexy scenes ni Carmina Villaroel,” sabi ng isang kaibigan namin.

Palagay namin seryoso siya nang sabihin niya ­iyon. After all sinasabi nga ni Carmina na first time niyang gumawa ng role na medyo off beat sa Bridges of Love. Role kasi ng isang hindi mo naman matatawag na elderly woman, dahil hindi naman ganoon katanda si Carmina, pero magiging obsessed kasi siya sa isang younger man na gagampanan naman ni Paulo Avelino.

Inamin ni Carmina, mayroon silang mga eksenang “medyo sexy”. Hindi naman talaga puwede sa telebisyon iyong bold. Pero ito iyong point, may mga lalaking mas gustong mapanood si Carmina kaysa sa sexy dance ni Maja.

Palagay namin natural lang iyon. Dahil kahit na sabihin mo namang ano na ang edad ni Carmina, lumalabas na nga siya sa mother roles, pero hindi maikakailang isa pa rin siya sa pinaka magagandang aktres natin sa ngayon.

In fact, iyon ang naging puhunan ni Carmina simula nang masadlak siya sa showbusiness. Napakaganda nga kasi ng kanyang mukha. May mga pagkakataong sumasablay din naman si Carmina sa kanyang career, pero sinasabi nga nila, “pabayaan mo na maganda naman siya.”

Looking at Carmina noong press launching noong Bridges of Love, sabi nga namin parang hindi kapani-paniwala ang role na obsessed siya kay Paulo Avelino. Baka mas bagay na si Paulo ang obsessed sa kanya. Kasi through the years, at kahit na sabihin mong may dalawang anak na, na-maintain ni Carmina ang kanyang hitsura at figure. Sabi nga nila, “magaling mag-alaga si Zoren.”

That’s another thing, wala kasi siyang kunsumisyon sa pamilya niya.

Aktor mahilig magyabang kahit may amoy!

Sa isang “tambay joint” sa Makati, nagyayabang ang isang young male star. Ang lakas ng bibig niya habang nagkukuwento sa kanyang mga barkada kung papaano siyang pinagkakaguluhan ng mga babae the night before. Medyo natawa nga kami ng kausap ko nang marinig ang isa pang pagyayabang niya, kung papaano madaling magkapera dahil pogi siya at sikat. Iyon ang feeling niya.

Ang totoo natutukso na kaming lapitan siya at sabihing, “boy maligo ka na nga muna at nangangamoy ka na. Kung maliligo ka, baka mas matino ang mga sasabihin mo.” Ang yabang ni Boy Baho.

Show comments