Dan Fernandez miss na miss na ang showbiz

Kundi ako nagkakamali, ang Mara Clara nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes ang unang seryeng nilabasan ng aktor na si Dan Fernandez bago siya lumabas sa mga pelikula na laging bad guy ang kanyang role.

Ang Regal Films daw ang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula, tapos nakalabas rin siya sa ibang movie production bago siya napunta sa pulitika.

Nasa dugo na talaga niya ang maging politician dahil hindi naman siya ang unang sumubok na pasukin ito sa lahi ng mga Fernandez mula sa lalawigan ng Laguna. Tumakbo si Dan bilang Kongresista sa 1st District ng Laguna gayung tubong Santa Rosa naman siya.

Ilang taong naluklok bilang Kongresista ang handsome actor, at hanggang ngayon ay miss na miss pa rin niya ang showbiz.

Ilang beses na siyang kinokontak ng isang TV network para sa isang mini-series at ang ganda raw ng role na ino-offer sa kanya, pero lagi namang nasasabayan ng maraming trabaho sa Santa Rosa.

Iniisip ni Congressman na tapos na naman ang termino niya sa 2016 at plano niya to go back sa TV & movies. Pero tila mabibigo ang aktor dahil nahilingan siya ng mga kababayan niya bilang Dangal sa Santa Rosa na ipagpatuloy ang kanyang serbisyo lalo na sa mga kapus-palad na hindi sapat ang baryang kinikita para mapakain at mapaaral ang mga anak.

Well, bigo si Dan Fernandez na magbalik-showbiz. Okay na rin at okay din sa pamilya niya lalo na sa asawa na super ganda pa rin, si Shiela Ysrael.

Nagkataon naman na nagbabu na ang dating Mayora na si Madam Arlene B. Arcillas na siyang tatayong tagapayo ng grupong Dangal ng Santa Rosa at ka-tandem ni Cong. Dan na si Arnold B. Arcillas.

Teka e, next year pa naman ang event. Kung mag-back-to-showbiz muna kaya si Cong?

 

Character actress nanlilimahid sa rumi ang bra!

Bakit kaya may babaeng hindi maingat sa tirante ng kanyang bra? Kung hindi maiwasan na lumabas ang tirante ng bra, magsuot ng kulay flesh o skin tone, puwede ring black. Kasi itong isang TV character actress, laging lumilitaw ang tirante ng suot na bra tapos kulay puti pa.

Pero nangungutim na parang madumi o malibag. Hindi magandang tingnan na ang maganda at young-looking starlet ay pabaya sa kanyang sarili. Burara!

 

ER hindi natatakot sa pelikula ng Fallen 44

Sayang at hindi na-review sa screening ng PMPC ang pelikulang Muslim Magnum .357 produced at pinagbibidahan ni Jorge “ER” Estregan. May nagkwento sa amin na maganda ang said movie ni ER, talagang pinag-isipan at puno ng effort na pinaganda talaga.

Decided ngayong si ER sa pagsasapelikula ng Fallen 44. Tinanong ko kung hindi siya natakot sa gagawin. Isang malakas na “No” ang sagot niya.

E, kasi po, maraming mari-reveal, tao man o mga bagay-bagay! Ganoon!

Show comments